outbrain

Meralco dapat patunayan na hindi hula ang sinisingil sa kostumer

By Leifbilly Begas May 23,2020
share this

Meralco dapat patunayan na hindi hula ang sinisingil sa kostumer

By Leifbilly Begas May 23,2020
share this

Meralco

HINDI umano dapat hulaan ng Manila Electric Company ang sisingilin sa kanilang mga kustomer.

Ito ang sinabi ni House committee on energy chairman at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco sa gitna ng mga reklamo ng mga kustomer ng Meralco dahil sa sobrang itinaas ng kanilang babayaran.

Ayon kay Velasco dapat ibase ng Meralco sa aktwal na nakonsumo sa metro ng kustomer ang sisingilin nito.

“Talagang nagulat ang mga consumers nung makita nila kung gaano kalaki ang bill nila. Mahirap na nga ang buhay, nagka-COVID pa, tapos may malaki pa silang babayarang kuryente,” ani Velasco.

Sa virtual hearing ng Joint Congressional Energy Commission (JCEC), ipinakita ni Velasco ang isang bill kung saan ang regular na nagbabayad ng P10,000 ay biglang lumobo sa P30,000 ang babayaran.

Sa pagdinig sinabi ng Meralco na noong Abril ay isang porsyento lamang ng mga kustomer ang nabisita upang makuha ang aktwal na nakonsumo.

“We want Meralco to be transparent in their charges and to conduct actual meter readings so that we can be assured that there is accurate basis for the electricity bill that must be paid by their customers.”

Dapat umanong maipaliwanag ng Meralco ng detalyado sa mga kustomer nito ang nangyari sa kanilang bayarin.

“Meralco has a lot of explaining to do. Explain the details, explain the specifics . . . and the payment terms.”

Dapat din umano ay hindi magputol ng suplay ang Meralco.

Kailangan din umanong i-adjust ng Meralco ang bayarin ng kanilang mga kustomer sa aktwal na nakonsumo nito.

“This is the only way Meralco can provide a credible basis for the charges,” dagdag pa ni Velasco.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending