Lindol sa Aurora naramdaman sa Metro Manila
MULA sa magnitude 5.1 ay itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology sa magnitude 5.4 ang lindol na tumama sa Aurora kanina.
Umabot sa Metro Manila ang pagyanig.
Sa Earthquake Information no. 2 na inilabas ng Phivolcs sinabi nito na naramdaman ang lindol alas-10:10 ng umaga.
Ang epicenter nito ay 16 kilometro sa kanluran ng bayan ng San Luis. May lalim itong pitong kilometro.
Posible umanong nagdulot ito ng pinsala, ayon sa Phivolcs. Maaari ring magkaroon ng aftershock ang mga pagyanig na ito.
Naramdaman ang:
Intensity VI – Baler, Aurora
Intensity V – San Luis, Dipaculao & Maria Aurora, Aurora
Intensity IV – Casiguran, at Dingalan, Aurora; Gabaldon, at Palayan City, Nueva Ecija
Intensity III – Obando, Bulacan; Villasis, Pangasinan; Paranaque City; Antipolo City sa Rizal;
Intensity II – Santo Domingo, Nueva Ecija; Malolos City, at Plaridel, Bulacan; Baguio City; Manila City; Malabon City; Navotas City; Quezon City; Valenzuela City
Intensity I – Gapan City, Nueva Ecija; at Guinayangan, Quezon
Instrumental Intensities:
Intensity IV – Palayan City, Nueva Ecija
Intensity III – San Ildefonso, Bulacan; Santiago City, Isabela
Intensity II – Cabanatuan City, & San Jose City, Nueva Ecija; Malolos City, Bulacan; Baguio City; Navotas City
Intensity I – Guagua, Pampanga; Marikina City; Malabon city; Quezon City; Guinayangan, at Mauban, Quezon; Iriga City, Camarines Sur; Dagupan City sa Pangasinan
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.