TINATAYANG 500,000 overseas Filipino workers ang mawalan ng trabaho at umuwi sa bansa sa hanggang sa Agosto dahil sa epekto ng coronavirus disease 2019.
Sa virtual hearing House Committee on Overseas Workers’ Affairs, sinabi ni 1PACMAN Rep. Enrico Pineda na dapat magkaroon ng konkretong plano ang Department of Labor and Employment sa mga uuwing OFW na daragdag sa mga Filipino na walang trabaho.
Sinabi ni DOLE Undersecretary Claro Arellano na mahigit sa 300,000 OFW na ang na-repatriate.
“The 300,000 for me is quite conservative. We want to look at the worst case scenario,” ani Pineda, chairman ng House committee on labor and employment.
Sa pagtatanong ni Pineda sinabi ni Arellano na posibleng sa Agosto ay 500,000 OFW na ang nakauwi sa bansa.
“At present ang report po namin is more than 300,000. And for the next three months–June, July, August–our POLO estimates for repatriation [are] 200,000 [OFWs],” dagdag pa ni Arellano.
Sinabi ni Pineda na dapat magkaroon na ng projection ang DOLE kung ilan ang uuwing OFW hanggang sa susunod na taon dahil matatagalan pa bago magkaroon ng bakuna laban sa COVID-19.
Dagdag pa ni Pineda kulang ang tulong na ibinibigay ng gobyerno sa mga OFW gaya ng isang beses na P10,000 tulong pinansyal na kulang pa umano sa pangangailangan ng pamilya.
“Kung umabot po sa 1 milyon ang babalik na migrant workers ano po ang ating gagawin? Ano po ang solusyon ng DOLE?” tanong ni Pineda. “Let’s look at the worst case scenario, mag project tayo up to the end of 2021. Wala pa sigurong vaccine yan.”
Sinabi ni Arellano na mayroong programa ang DOLE para sa mga umuuwing OFW.
“We have our recovery plan for the OFWs, yung tulong po na gagawin natin sa kanila. Kaya lang ang wala pa po tayo ay yung projected,” ani Arellano.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.