BI kinasuhan na ang Spanish na nagmura sa pulis
NAGSAMPA ng deportation charges ang Bureau of Immigration laban sa Spanish national na nakuhanan ng video nang paulit-ulit na murahin ang pulis na sumita sa kanyang katulong dahil nagdidilig ng walang facemask sa labas ng kanilang bahay sa Makati City.
Si Javier Salvador Parra ay nahaharap sa undesirability at overstaying charges.
“Foreign nationals who are here in the country are expected to follow Philippine laws, especially in these special times wherein public health and safety is at risk. There is no exemption, whether you are living in a posh village, or in a slum area, you must obey the law,” ani BI Immigration Jaime Morente.
Nagpapatrolya ang pulis at barangay sa isang subdivision sa Makati City nang madaan nito ang katulong ni Parra na nagdidilig.
Nang pumasok ang katulong ay lumabas naman si Parra kasama ang kanyang misis.
Hindi naman naaresto ng pulis si Parra na tumakbo sa loob ng bahay matapos na bitawan ng pulis dahil sinabi ng misis nito na mayroong problema ang kanyang likod.
“Aliens who disrespect symbols of our country and persons of authority are not welcome in the Philippines. Their sojourn here is a privilege, not a right. It is in the same manner that our kababayan who are living and working abroad respect the laws of their host country,” ani Morente.
Si Parra ay pinagsusumite ng counter affidavit subalit tumanggi umano ito na tanggapin ang notice. Kahapon ang deadline ng paghahain nito.
“Our offices remained open to receive his response, but he failed to submit any,” ani Morente sa isang pahayag.
Pursegido ang BI na ituloy ang kaso upang magsilbing babala umano sa mg dayuhan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.