Netizen na nag-offer ng P200M sa papatay kina Angel, Kim at Coco lagot sa NBI | Bandera

Netizen na nag-offer ng P200M sa papatay kina Angel, Kim at Coco lagot sa NBI

Ervin Santiago |May 21,2020
facebook
share this

Netizen na nag-offer ng P200M sa papatay kina Angel, Kim at Coco lagot sa NBI

Ervin Santiago - May 21, 2020 - 10:38 AM

IBINANDERA ni Angel Locsin sa social media ang netizen na nagbanta sa kanyang buhay pati na rin sa iba pang Kapamilya stars.

Talagang ipinost ng aktres ang  death threat ng nasabing Twitter user sa kanyang Instagram account para isapubliko ang pagbabanta nito kasabay ng pagtawag sa atensiyon ng National Bureau of Investigation.

Dito, sinabi ng Twitter user na bibigyan niya ng P200 million ang papatay kina Angel, Kim Chiu at Coco Martin.

“Isa ka ba sa mga supporter ni Pangulong Duterte at GMA? Pwes, I will give you 200-million sa sinumang mga Duterte at GMA supporters ang makapatay kina Kim Chiu, Coco Martin, at Angel Locsin. 

“Makakasama nyo ang NPA para pasabugin ang ABS-CBN Compound,” ang pahayag ng nasabing netizen.

Caption ni Angel sa ipinost niyang screenshot ng death threat sa IG, “Hello, NBI? Beke nemen po…”

Ang nasabing Twitter account ay ginawa lamang ngayong May 2020 at may 1 follower.

Bukod dito, may nirepost din si Angel na isang quote card kung saan inakusahan naman siyang supporter ng NPA. Sa comments section, nag-react ang fiance ni Angel na si Neil Arce, “NPA ka pala.” 

Hirit naman ni Angel, “Baka pwedeng makahingi naman ng pang ayuda kuya.”

Pero mensahe niya sa kanyang followers, “Wag nyong imessage. Natawaloka lang ako.”

Kamakailan, isang teacher ang inaresto ng NBI matapos mag-post sa social media na magbibigay siya ng P50 million sa sinumang makakapatay kay President Rodrigo Duterte.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending