DJ Squammy 2 buwang nganga; biglang nagkatrabaho dahil kay Kim | Bandera

DJ Squammy 2 buwang nganga; biglang nagkatrabaho dahil kay Kim

Ervin Santiago |May 20,2020
facebook
share this

DJ Squammy 2 buwang nganga; biglang nagkatrabaho dahil kay Kim

Ervin Santiago - May 20, 2020 - 06:47 PM

NANG dahil sa “classroom” blooper ni Kim Chiu biglang nagkaroon ng bonggang proyekto ang sikat na sikat na ngayong si DJ Squammy.

Ayon sa DJ, abot-langit ang pasasalamat niya sa Kapamilya actress dahil makalipas ang mahigit dalawang buwang pagkatengga at pagiging “nganga”, nagkaroon siya uli ng raket.

Wala raw siyang gigs at mga kliyente for two months at ito ngang collaboration nila ni Kim para sa full track ng viral na ngayong “Bawal Lumabas (The Classroom Song).” 

Si DJ Squammy ang nasa likod ng unang kanta na nag-viral sa social media gamit ang kontrobersyal na “classroom rule” analogy ni Kim na kanyang nasabi sa #LabanKapamilya Facebook live para ipagtanggol ang ABS-CBN.

“Meron akong recording studio kumbaga kaya napagtripan ko ‘yan kasi wala akong kliyente ngayon, eh. Mga 2 months na,” ayon kay DJ Squammy nang mag-join sa latest YouTube vlog ni Kim.

Nang kumalat na ang kantang ginawa niya, dito na siya kinontak ng Star Music para makipag-collaborate kay Chinita Princess.

Aniya pa, nu’ng una pa lang niyang marinig ang pahayag ni Kim na naging sanhi ng pamba-bash sa kanya sa social media, na-feel na niya na pwede itong pasikatin sa pamamagitan ng kanta.

Kasi noong narinig ko ‘yun, ako sa technical side ako eh, nag-a-arrange ako, nagpo-produce ako. Narinig ko ‘yung pagkakabigkas mo (Kim).

“Sabi ko perfect ‘to ha. ‘Pag ito nilatagan ko ng solid na beat kakabit ‘to tapos mas mae-emphasize pa natin ‘yung meaning sa bawat phrase nu’n.

“Ako naiintindihan ko na nag-stutter ka lang sa words na kukunin kasi naging emotional ka doon, naintindihan namin ‘yun,” sabi pa ng DJ. 

The other day lang ni-release ang full track ng “Bawal Lumabas” pero milyun-milyon na ang nakuhang views nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“This is something nice and positive out of the negative na nangyari noong mga nakaraang araw. Actually dito sa nangyari na ito ang dami kong nakita na maraming gustong tumulong.

“At the end of the day marami talaga ‘yung gustong tumulong sa atin, mag-reach out to give help,” ani Kim.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending