Pokwang: Di baleng pangit di naman napatalsik sa work dahil sa drugs!   | Bandera

Pokwang: Di baleng pangit di naman napatalsik sa work dahil sa drugs!  

Ervin Santiago |May 20,2020
facebook
share this

Pokwang: Di baleng pangit di naman napatalsik sa work dahil sa drugs!  

Ervin Santiago - May 20, 2020 - 06:03 PM

ANG tindi rin ng mga bashers ng Kapamilya comedienne na si Pokwang! Talagang tuloy ang panglalait ng netizens sa kanyang itsura.

Pero hindi rin naman nagpapatalbog si Pokey sa kanila dahil pinapatulan din niya ang mga ito, lalo na yung mga trolls na tumitira sa pisikal niyang anyo.

Tulad na lang kahapon, muling binanatan ng netizens si Pokwang matapos magpahayag ng pagkadismaya sa pahayag ng gobyerno na hindi pa handa ang bansa para magkaroon ng COVID-19 mass testing.

Post ni Pokwang sa kanyang Twitter account, “Totoo po ba walang magaganap na mass testing?? as in WALAAA???

“So kami na po bahala sa buhay namin ganeerrnn??? matira matibay nalang talaga?

“Salamat po sa pagmamahal ha…. wooooo sana 2022 na!!! sarap na bumoto ulit!!!” ang tila pagbabanta pa ng komedyana sa mga tatakbo uling politiko sa susunod na eleksyon.

Dahil dito, na-bash uli siya nang bonggang-bongga at pati ang kanyang itsura ay nilait ng mga ito. Talagang tinawag siyang chaka, boba, epal at kung anu-ano pang masasakit na salita.

Isa sa mga nagkomento ay mukhang kakilala pa ng komedyana. Ni-repost pa ni Pokey ang pang-ookray nito sa kanya.

Ani Pokwang, “Basher: ang pangit mo Pokwang! Boba KA! mukha kang unggoy! epal ka!’ ME: Huh? wag ka kasi manalamin para wala ka makitang unggoy at pangit!

“Di bale na pangit di naman ako napatalsik sa work dahil sa drugs hahahaha! alam mona kung sino ka ha wag mona hintayin pa pangalanan kita!” panonopla ni Pokey sa kanyang hater.

Isa pang laiterang basher ang sinagot ng Kapamilya star, “It’s 2:09 am nagising ako kasi nagtimpla ako gatas ni tisay, abaaaa!!! yung iba ayaw talaga tumigil?

“Hahahaha pangit na pangit sakin?

“Kung sa bagay sa mata ng mga dimunyu mukha akong unggoy at chonggo! buti nalang sa mata ni God perpekto ako salamat po…. back to bed,” sey pa ni Pokwang.

Dugtong pa niya, “Yung pang lalait nyo sakin na pisikal at pang aalipusta nyo nakatulong ba para mawala na problema sa mundo or problema mo sa buhay? Huh!

“Sana lang nakatulong nga Yang pagiging perpekto nyo ha! Good night.”

Samantala, ipinagdiinan din ni Pokey na hinding-hindi siya mapipikon o magwawala sa galit sa pagtawag sa kanya ng “boba” at “pangit.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Di parin tapos? boba! pangit! ano pa? Kailan koba sinabi na ang GANDA KO? at least ako naging artista kahit chaka! Kasi ang tawag doon TALENT!!!! At iyon ay GIFT!!!

“Maganda at gwapo pala kayo sayang dapat pala nai guest muna kayo sa SOCO bago na ipasara ang abs cbn! PERFECT???” hirit pa ng komedyana na ang tinutukoy na SOCO ay ang programa ni Gus Abelgas sa ABS-CBN.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending