Kim Idol rumaraket bilang frontliner; stand-up comedians nganga pa rin
FINALLY, na deploy na ang stand-up comedian na si Kim Idol bilang marshall sa isang hotel sa Makati.
Dati siyang volunteer sa Bureau of Quarantine ng DOH sa may Port Area at kailangan na niyang gumawa ng paraan para kumita ngayong wala pa ring kasiguruhan sa entertainment industry.
Hindi pa rin kasi kasama ang mga comedy bars kung saan siya regular performer sa binuksang mga negosyo sa ilalim ng modified enhanced community quarantine.
Kuwento ni Kim sa bago niyang assignment, “Marshall po. I’m with a doctor and a nurse. Dito po kami na-deploy.
“Nagbabantay po kami ng mga repatriates na naghihintay na lang po ng resulta ng swab tests nila.
“Kapag lumabas na po ‘yung mga certificates nila (with a negative COVID-19 result) ay maaari na po silang makauwi sa kanilang mga tahanan para makasama ang kanilang mga mahal sa buhay.
“Would like to thank the following people in helping me help fight COVID-19! Thank you Briane Alejandria, Kat Rina, Ken Concepcion, Mark Andrew Serrano Barican, Doctor Espiritu, Miss JenSen Doc Obet and lahat ng mga taga Bureau of Quarantine Manila for giving me this very fulfilling job of preventing the spread of COVID-19 in the Philippines!” lahad ni Kim.
Healthcare worker na ring matatawag si Kim dahil sa suot niyang complete PPE suit, googles, face mask, face shield at gloves. Makikita rin sa ilang post ni Kim sa Instagram ang iba pa niyang kasamahang frontliners.
Nagsimula si Kim bilang marshall nitong Lunes, Mayo 18 at sa hotel na rin sila nag-i-stay matapos mabigyan ng sariling kuwarto.
“Yes own room. Parang naka-quarantine din po kami lahat dito. Uuwi lang po kami kapag ‘yung mga nandito po ay nabigyan na lahat ng certificate (na negative sila sa COVID-19).
“‘Yun pa lang po ‘yung time na makakauwi na rin kami,” sabi pa ni Kim nang maka-chat namin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.