Jak kay Barbie: Happy 3 years Madam! Dati crush lang kita, akalain mo yun!   | Bandera

Jak kay Barbie: Happy 3 years Madam! Dati crush lang kita, akalain mo yun!  

Ervin Santiago |May 20,2020
facebook
share this

Jak kay Barbie: Happy 3 years Madam! Dati crush lang kita, akalain mo yun!  

Ervin Santiago - May 20, 2020 - 12:08 PM

INABUTAN ng enhanced community quarantine ang pagse-celebrate nina Barbie Forteza at Jak Roberto para sa kanilang 3rd anniversary bilang magdyowa kahapon.

Pero mukhang tanggap na ng Kapuso couple ang katotohanan na matatagalan pa bago sila magkita at magkasama uli up close and personal dahil sa COVID-19 pandemic.

 Sa Instagram ng Kapuso Primetime Princess na si Barbie, ibinahagi nito ang kanilang sweet na larawan ni Jak sa Mt. Moiwa Bell of Happiness noong nag-travel sila sa Sapporo, Japan.

 “Being with you has been one of the best things that have ever happened to me. You boost me up when I feel insecure. You put my feet back on the ground when I fly too high. 

“You support me in everything that I do. You don’t judge, you accept. You love, and you love, and when it all feels overwhelming… you love more. Happy 3rd Anniversary, @jakroberto. I love you,” ani Barbie sa kanyang caption. 

Samantalang nakakatuwang video naman ang ipinost ni Jak nang minsang sorpresahin niya si Barbie sa make-up room ng GMA Network.

Mensahe ng Kapuso hunk, “Happy 3 years Madam! Dati crush lang kita, akalain mo ‘yun 3 years na! Sayang ‘di tayo makapagcelebrate, alam mo na. 

“So, paano, sa May 19, 2021 na lang? Stay at home muna tayo! I love you so much. P.S. eto yata ang pinaka-sweet na kuha natin sa isa’t isa.” 

Bumuhos naman ang congratulatory messages para sa dalawa mula sa netizens at kapwa celebrities gaya ni Kate Valdez na co-star ni Barbie sa Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday.

Kasalukuyang napapanood sina Barbie at Jak sa rerun ng pinagbibidahang GMA series na Meant To Be sa GMA Telebabad.

                           * * *

Muli namang binalikan nina Barbie Forteza at dati nitong ka-loveteam na si Joshua Dionisio ang kanilang tambalan noon sa Pinoy adaptation ng Korean drama na Stairway to Heaven taong 2009. 

Gumanap ang tambalang JoshBie bilang batang Jodi at Cholo sa naturang serye na pinagbidahan nina Dingdong Dantes at Rhian Ramos. 

Sa kanilang panayam, ibinahagi ni Barbie na hindi raw nito malilimutan na lumuwas pa sila mula Biñan, Laguna para mag-audition. 

“Kakaibang experience kasi first time ko mag-audition sa harap ng director. Usually kasi sa harap ng caster, di ba, hindi talaga director,” ani Barbie. 

Ang Stairway to Heaven ang siyang nagbigay ng big break sa career ng Kapuso actress na bumida na sa iba’t ibang teleserye sa GMA 7 kabilang na diyan ang umeere ngayong Meant To Be sa GMA Telebabad. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

All smiles naman si Joshua Dionisio nang alalahanin ang pinagsamahan nila ng dating kaparehang si Barbie, “‘Yung kakulitan talaga, e. Iba rin talaga ‘yung comedy talaga, masaya talaga siyang katrabaho.”

Tumigil si Joshua sa pag-aartista upang ipagpatuloy ang kanyang pagkuha ng Industrial Engineering. Gayunpaman, naniniwala ito na maraming dating supporters nila ni Barbie ang matutuwa sa muling pagbabalik ng kanilang tambalan sa Stairway to Heaven na napapanood tuwing hapon pagkatapos ng Ika-6 Na Utos sa GMA Afternoon Prime.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending