PMPA pabor sa health protocol para sa paggawa ng pelikula sa 'new normal' | Bandera

PMPA pabor sa health protocol para sa paggawa ng pelikula sa ‘new normal’

Jun Nardo - May 20, 2020 - 11:09 AM

PINABORAN ng Philippine Motion Producers Association ang health protocols na binalangkas ng Inter-Guild Alliance na bumubuo ng workers sa iba’t ibang aspeto ng pelikula.

      Mas specific daw kasi ang mga guidelines na ginawa ng bawat guild lalo na’t sila ang talagang nangunguna sa paggawa ng pelikula.

      Eh, wala naman daw intension ang grupo ng producers na balewalain ang binalangkas na guidelines ng Film Development Council of the Philippines ayon kay direk Joey Reyes.

      “We chose to be specific because we want to protect them and the workers,” rason ni direk Joey sa Zoom conference na isinagawa ng producers at Inter-Guild Alliance sa gitna ng patuloy na nagaganap na health crisis sa bansa.

      Sa hiwalay na post ni Atty. Joji Alonso sa Facebook na isa sa members ng PMPP, inihayag niyang, “That the protocols for the film industry DO NO MEET THE APPROVAL OF THE IATF before the same could be used/implemented.”

      Detalyado ang health protocols na ito base sa pahayag ng ilang representatives ng Inter-Guild Alliance at susundin ito ng PMPPA kung sakaling muling gumiling na ang mga camera para sa mga bagong pelikula.

                            * * *        

Nasa puso ang pag-asa nating mga Pilipino kaya hindi tayo dapat sumuko sa kahit anong pagsubok. 

Ito ang mensahe ng GMA Public Affairs sa bago nitong advocacy campaign na “Nasa Puso Ang Pag-asa” na unang napanood sa 24 Oras kagabi.

Sa gitna ng bagong pagsubok na kinakaharap natin dahil sa COVID-19, mga kuwento ng pagtutulungan, sama-samang pakikipaglaban, at muling pagbangon ang mapapanuod sa “Nasa Puso Ang Pag-asa” campaign. 

Iniimbitahan din nito ang bawat Pilipino na magbigay ng pag-asa at positive vibes sa ibang tao sa pamamagitan ng paggawa ng kabutihan sa kapwa—gaano man kaliit ito.

 Tiyak na marami ang maaantig ang puso sa mga kuwento ng pag-asa na hindi lamang sa TV mapapanood. Magiging available rin kasi ang mga ito sa official website ng GMA Network at sa official social media accounts ng GMA Public Affairs. 

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

            

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending