Matapos mabatikos, Roque pinalitan ang terminong ‘mass testing’ sa ‘expanded targeted testing’
MATAPOS mabatikos sa naunang pahayag kaugnay ng mass testing, pinalitan ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang terminong ‘mass testing’ sa ‘expanded targeted testing’.
Kasabay nito, itinanggi ni Roque na walang balak na magsagawa ng mass testing sa bansa matapos namang mabatikos ng mga netizens.
“Nalulungkot po ako na bagamat dalawang beses na nating panauhin si Secretary Vince Dizon, lumalabas po kasi na wala raw diumanong plano o aksyon o hindi prayoridad ng gobyerno ang expanded target testing at hindi rin po pinababayaan ng pamahalaan ang expanded testing sa pribadong sektor sa bagay na ito,” sabi ni Roque.
Sa kanyang briefing nitong Lunes, natanong si Roque kaugnay ng mass testing sa bansa at base sa transcript, sinabi niya na,”Well, as much as possible po ano, mayroon tayong—ini-increase natin iyong capacity natin ng testing kaya nga we’re aiming na aabot tayo sa 30,000. Pero in terms of mass testing na ginagawa ng Wuhan na all 11 million, wala pa pong ganiyang programa at iniiwan natin sa pribadong sektor”.
Hindi naman natuwa ang mga netizens sa naging pahayag ni Roque.
“Siguro po kasi mali ang term na ginagamit nating mass testing, ang tawag po dapat ay expanded targeted testing. wala pong bansa sa buong mundo na tinitest ang lahat ng kanilang mamamayan kaya mali po ang terminong mass testing,” giit ni Roque.
Idinagdag ni Roque na target bg bansa na mai-test ang isa hanggang dalawang porsiyento ng kabuuang populasyon ng bansa.
“In terms of the epicenter, even higher than that, up to 10 percent at yun po ninanais natin sa Metro Manila,” ayon pa kay Roque.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.