NAGKAROON ng tensyon sa branch ng Meralco sa Pasay City dahil umano sa sistema ng pagpapasok sa mga magbabayad ng bill sa kuryente.
Ayon sa ulat ng Radyo Inquirer, maaga pa lamang ay mahaba na ang pila sa labas ng tanggapan.
Kinalaunan ay sinabihan ang mga nakapila na bumalik na lamang bukas.
Dalawa lang umano ang teller na tumatanggap ng mga bayad at dahil pinauuna ang mga senior citizens ay naipon ang pila.
Ilan sa mga nakapila inabot na nang ilang oras Doon.
Para hindi rin humaba ng husto ang pila sa kalsada at magdulot ng trapiko, binuksan ang covered parking lot ng sangay ng Meralco para sa mga nasa regular na pila.
Nagpasaklolo na rin sa barangay ang Meralco para sa maayos na pagpapapila sa mga magbabayad ng kuryente.
Samantala, sa Meralco branch sa Commonwealth Avenue sa Quezon City ay humaba rin ang pila ng mga magbabayad na residente.
Anila, natatakot silang maputulan sila ng kuryente kaya agad nagtungo sa branch nang ito ay magbukas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.