Inigo bad trip sa bashers ni Kathryn; 'Ligtas Pilipinas sa COVID-19' ng ABS tagumpay | Bandera

Inigo bad trip sa bashers ni Kathryn; ‘Ligtas Pilipinas sa COVID-19’ ng ABS tagumpay

- May 18, 2020 - 03:32 PM

NA-BAD trip din ang Kapamilya singer-actor na si Inigo Pascual sa mga panglalait at pambabastos ng mga bashers kay Kathryn Bernardo.

Ipinagtanggol ng binata si Kath matapos mapasama sa top trending topic sa Twitter Philippines ang pangalan ng young actress pati na ang hashtag #SakangSiKathryn.

Bukod sa pagtawag ng sakang, may mga haters din na nagsabi ng kung anu-ano pang masasakit at malilisyosong salita laban sa girlfriend ni Daniel Padilla.

At isa nga ang malapit na kaibigan ni Kathryn na si Inigo sa matatapang na artistang dumepensa sa kanya laban sa mga bully sa social media.

“Wtf is wrong with people making a trend about Kath like that? May nakuha ba kayo sa ginagawa niyo. At least Kath is very successful,” ang tweet ng anak ni Piolo Pascual.

Isa pang close friend ni Kath, si Juan Miguel Severo, ang nagpayo sa lahat ng KathNiel fans na gumanti sa mga bashers sa pamamagitan ng hindi paggamit ng hashtag #SakangSiKathryn sa kanilang mga post at sa halip palitan ito ng hashtag #ReportTheTrolls.

“Guys. Don’t use the hashtag. Keep reporting it instead. Lalo lang siyang magte-trend. #ReportTheTrolls,” ani Juan Miguel.

Nagsalita na si Kathryn tungkol sa pambu-bully sa kanya ng mga trolls at mas pinili na lang niyang tawanan ang mga ito kesa patulan dahil tanggap naman niya ang mga kapintasan niya.

* * *

Sari-saring sakuna at trahedya na ang sumubok sa bansa, ilang beses na pagputok ng bulkan, sunog, bagyo, lindol, at giyera na bumago sa buhay ng mga Pilipino. Sa bawat pagsubok, laging nandiyan ang ABS-CBN.

Sa kampanyang “Ligtas Pilipinas sa COVID-19,” natuto ang publiko ng safety tips mula sa Department of Health sa tulong mga mga artista na nagpaliwanag tungkol sa pandemya at nagbigay ng mahahalagang impormasyon para maprotektahan ang mga pamilya.

Kahit natigil ang live shows at tapings para masiguro ang kaligtasan ng mga manonood, artista, at empleyado, hindi naman nainip ang Kapamilya fans dahil sa pagbabalik ng mga minahal nilang programang pang-edukasyon tulad ng “Sine’skwela” at “MathTinik,” at teleseryeng puno ng inspirasyon tulad ng “May Bukas Pa” at “100 Days to Heaven.”

Bonding naman ang pamilya sa panonood ng mga bagong episode ng “Magandang Buhay,” “It’s Showtime,” at “ASAP,” mga digital series, at digital concerts gamit ang teknolohiya.  

Araw-araw din silang nakakapag-Misa sa Kapamilya Daily Mass at nagwo-workout sa Team FitFil. Hindi rin sila mauubusan ng panonoorin sa mahigit 1,000 libreng pelikulang handog ng iWant, at kanya-kanyang pakulo sa social media ang mga programa.

 

Malaking tulong ang hatid ng “Pantawid ng Pag-ibig” ng ABS-CBN at ABS-CBN Foundation sa mga nangangailangan noong qurantine. Mahigit 700,000 na pamilya sa Metro Manila, Bulacan, Rizal, Laguna, at Cavite ang inaasahang magbebenepisyo sa donasyong umabot na ng P388 milyon noong Mayo 15.  

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, nagpasalamat din ang mga frontliner na nakatanggap ng mga PPE at pagkaing hinatid ng ABS-CBN sa 80 opsital sa tulong din ng mga donor at partner organizations. Ang kanilang sakripisyo at hirap naman ang inilahad sa dokumentaryong “Heroes in the Hot Zone” ng ABS-CBN DocuCentral.  

Hindi lamang ang network ang tumulong, pati ang mga artista at empleyado ng ABS-CBN ay kusang gumawa ng iba’t ibang paraan gaya ng pagbibigay ng PPEs, pagluto ng mga pagkain, pagtayo ng tents at pamimigay ng relief goods.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending