Lockdown hugot ni Maymay: Mas hindi ko ikinahihiya yung totoong ako... | Bandera

Lockdown hugot ni Maymay: Mas hindi ko ikinahihiya yung totoong ako…

Ervin Santiago - May 18, 2020 - 11:28 AM

KINOKONTROL talaga ni Maymay Entrata ang kanyang sarili na hindi maapektuhan ng tinatamasa niyang tagumpay ngayon.

Ayaw ng dalaga na pumasok sa kanyang ulo ang lahat ng magagandang nangyayari sa showbiz career niya pati na rin sa personal na buhay.

Napanood namin ang panayam ni Fr. Tito Caluag kahapon kay Maymay para sa Sunday episode ng “Journeys of Hope” sa isang cable channel at dito nga sinabi ng young actress na palagi niyang ipinagdarasal na manatili siyang mapagkumbaba sa kabila ng natamong tagumpay.

“Para sa akin, hindi naman talaga mawawala yung overwhelmed ka na feeling mo, ‘Grabe kaya ko pala ito. Wow naa-achieve ko ito, baka kung kaya ko, hindi na yata kailangan humingi ng tulong kay Lord.’ Temptation yun,” paliwanag ng dalaga.

“Dahil doon, isa sa mga nagpapa-remind sa akin every time na napi-feel ko yun, lagi akong bumabalik sa Ephesians 2:8-9 (Bible versel), wala talagang dapat ika-proud or i-brag dahil lahat ng ito ay dahil sa provider at yun ang Panginoon,” aniya pa.

Alam naman ng madlang pipol na hindi rin naging madali para kay Maymay ang maabot ang kanyang mga pangarap, talagang dumaan siya sa maraming challenges.

“Simula po noong struggle na yun hanggang sa naging successful na ako, nandito pa rin si Lord, nire-remind pa rin ako. Masasabi ko talaga na mas lalo akong napamahal sa kanya.

“Mas lalong nag-grow yung faith ko sa kanya. Dahil doon Father, mas lalong naging clear sa akin na kaya pala tayo binibigyan ng biyaya ng Panginoon para tayo yung maging biyaya sa mas nangangailangan sa atin,” sey pa ng ka-loveteam ni Edward Barber.

Binalikan din niya ang mga panahong palagi siyang nare-reject kapag sumasabak sa audition para sa iba’t ibang ABS-CBN reality at talent shows.

Dahil dito, nag-focus muna siya sa pag-aaral hanggang makapasok sa college noong lumipat siya sa Cagayan de Oro. Dito na nga siya nag-try uli na mag-audition sa “Pinoy Big Brother: Lucky Season 7”.

“Masasabi ko na ‘yun ang climax ng buhay ko dahil doon lahat nagsimula yung paghihirap, yung struggle ko sa life. 

“Naging independent ako sa Cagayan de Oro, ako lang mag-isa, yung pamilya ko nasa Camiguin. Nagsimulang magkasakit ng sobra yung lolo ko,” lahad ni Maymay.

“Sa audition na yun, doon ko na-realize na ang sarap sa feeling kapag motivated ka dahil alam mong may inspirasyon ka. Hindi lang dahil gusto mo, kundi dahil may inspirasyon ka at yun ang pamilya ko. 

“Dahil doon, mas lumalabas yung totoong ako. Mas hindi ko ikinakahiya yung totoong ako dahil alam kong maraming mai-inspire or matutulungan lalo sa mga nangangarap na tulad ko,” chika pa ng dalaga na siya ngang itinanghal na PBB Big Winner noong 2017.

“Nu’ng nanalo ako, nag-flashback lahat ng failures ko, ng struggles ko. Buti na lang talaga hindi ako sumuko. Worth it lahat,” aniya pa.

Pero ang talagang ipinagpapasalamat ni Maymay more than anything, ay ang pagiging super close uli ng kanyang pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Dati nu’ng nag-audition ako, tinatawanan lang nila ako pero alam kong sinusuportahan nila ako. Ngayon, paulit-ulit, tuwing nagkukuwento sila, grabe ang pasasalamat nila. Hanggang ngayon naiiyak pa rin sila sa tuwa, sa blessing na ibinigay ni Lord sa amin.

“Sabi nila sana makabawi sila. Sabi ko, ‘Hindi na kailangan, kasi ito ay pangarap ko para sa inyo at hindi ko kailangan naman ng kapalit.’ Yung pagtulong ko, hindi ko naman obligasyon yun. Yung pagtulong ko, buong puso kong binigay yun,” pahayag pa ng dalaga.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending