Liquor ban, curfew tuloy sa San Mateo | Bandera

Liquor ban, curfew tuloy sa San Mateo

Leifbilly Begas - May 17, 2020 - 02:53 PM

liquor ban

TULOY ang pagpapatupad ng liquor ban at curfew sa San Mateo, Rizal.

Kahit nasa ilalim na ng General Community Quarantine ang bayan ng San Mateo hindi pa rin papayagan ang bumili at uminom ng alak.

Ang curfew ay ipatutupad pa rin mula alas-8 ng gabi hanggang 5 ng umaga.

Ang pagpapatuloy ng polisiyang ito ay alinsunod sa resolution na napagkasunduan ng mga kapitan ng barangay, Municipal Disaster Risk Reduction Management Council at San Mateo Task Force COVID-19.

Ang resolusyon ay ipinadala kay Mayor Cristina Diaz bilang basehan ng gagawin nitong executive order para sa pagpapanatili nabanggit na polisiya.

Ayon sa datos, kahapon ay 26 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa San Mateo. Mayroon ng 12 gumaling at anim ang nasawi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending