4 nasawi, 14 sugatan sa pananalasa ng bagyong Ambo sa E.Samar
APAT ang nasawi at 14 ang nasugatan sa Eastern Samar sa pananalasa ng bagyong Ambo.
Kinilala ni Gov. Ben Evardone ang mga nasawi na sina Eduardo Noromor, 64, ng Brgy. Japunan; Danilo Ravas, 38, ng Brgy. Natividad. Oras; Rolly Maestre, 50, ng Brgy. Dao; at Gringo Magallanes, 25, ng Brgy Balocawe.
Batay sa ipinadalang litrato ni Evardone sa media nawasak ng bagyo maging ang mga quarantine facility na itinayo para pagdalhan sa mga pasyente na nahawa o pinaniniwalaang nahawa ng coronavirus disease 2019.
Sa San Policarpo, Eastern Samar unang nag-landfall ang bagyong Ambo noong Huwebes ng tanghali.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.