QC may localized guidelines para sa MECQ | Bandera

QC may localized guidelines para sa MECQ

Leifbilly Begas - May 16, 2020 - 04:18 PM

NAGLABAS ng localized guidelines para sa Modified Enhanced Community Quarantine ang Quezon City government.

Sinabi ni Mayo Joy Belmonte na layunin ng guidelines na matulungan ang mga residente ng lungsod sa new normal.

Dahil mananatiling walang biyahe ang pampublikong sasakyan, papayagan ng siyudad ang point-to-point private transport services o shuttles ng mga kompanya para may masakyan ang kanilang mga empleyado. Maaari umanong rentahan ng mga kompanyang ito ang mga public utility buses, public utility jeepneys, o iba pang high occupancy vehicle.

Maaari na ring mag-operate ang mga tricycle sa ruta na nakalagay sa kanilang prangkisa.

Nanawagan naman si Belmonte sa mga driver na pumunta sa community-based center sa kanilang distrito upang sila ay masuri bago bumiyahe.

Plano rin ng siyudad na palawigin ang Libreng Sakay bus services nito para sa mga residente na pupunta sa mga establisyemento na pinayagan ng magbukas.

Inutusan naman ni Belmonte ang mga barangay na maglagay ng mga libreng bicycling parking para sa mga residente na bisikleta ang gagamitin sa pag-alis sa biyahe.

Ang mga magbubukas na establisyemento ay dapat naman magtalaga ng Health and Safety Officer na siyang titiyak na masusunod ang occupational health and safety standards and regulations.

Sa ilalim ng MECQ ang manufacturing ng pagkain, tubig, non-alcoholic beverages, gamot, hygiene products, ospital at clinic at mga essential retailers gaya ng supermarkets, grocery stores, markets, water refilling stations at drugstores ay pinapayagan ng magbukas.

“Mahalaga ang kooperasyon ng bawat isa sa paglipat natin patungo sa MECQ. Kailangan natin ang tulong ng lahat para hindi na kumalat pa ang virus na ito,” ani Belmonte.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending