Pulis na naki-party sa birthday ng Pangasinan mayor kakasuhan
HINDI kukunsintihin ng Philippine National Police ang mga opisyal at tauhan nito na dumalo sa birthday party ni Sto. Tomas, Pangasinan Mayor Timoteo Villar III, na iniimbestigahan sa paglabag sa quarantine rules.
Ani PNP deputy chief for operations Lt. Gen. Guillermo Eleazar, hepe ng Joint Task Force COVID Shield, na nakatakdang kasuhan ang mga pasaway na pulis-Pangasinan.
“No one is above the law. Ang ating mga pulis, tayo na nagpapatupad, una dapat tayong sumusunod diyan,” ani Eleazar sa interview sa dzBB.
“Iimbestigahan din sigurado ‘yan. Kaya nga ang sinasabi natin hindi lang sa pulis kundi sa public servant natin, we should have this decency as well as sensitivity sa mga sitwasyon na ating kinakaharap at gawin natin yung tama whether may nakakakita o wala kung may camera man o wala, kung may litrato o wala,” dagdag niya.
Inatasan na ang Pangasinan police provincial office na imbestigahan ang ilang pulis na naki-birthday Kay Villar noong Mayo 6 habang ipinaiiral ang enhanced community quarantine.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.