MANANATILI sa puwesto si National Capital Region Police Office (NCRPO) director Major Gen. Debold Sinas habang inihahanda ang mga kaso sa kanya at iba pang pulis na nasa likod ng kontrobersyal niyang birthday party loob mismo ng NCRPO headquarters sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.
“For now, stay muna siya until further notice. So, no movement among top officials yet,” ani PNP spokesman Brig. Gen. Bernard Banac nang tanungin kung masisibak si Sinas dahil sa naganap na mañanita para sa kanya noong Mayo 8, na lumabag sa mga health protocols sa ilalim ng umiiral na enhanced community quarantine (ECQ).
Samantala, sinabi ng PNP-Internal Affairs Service na isusumite ngayong araw kay PNP chief Gen. Archie Gamboa ang resulta ng kanilang imbestigasyon sa insidente. Sakaling maaprubahan ni Gamboa, isasampa ang kaso kay Sinas at sa iba pang pulis na dumalo sa party.
“Submit namin kay (Chief PNP). Kapag i-approve, ipapa-receive agad namin sa Prosecutor’s Office ng Taguig or i-file ang criminal complaint against PMGen. Sinas, et al,” Ani PNP-IAS directorAlfegar Triambulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.