Nahawa ng COVID gumaling matapos ang 1 buwang gamutan
MAKALIPAS ang isang buwang gamutan, isang nahawa ng coronavirus disease 2019 sa Navotas City ang nakalabas na.
Ayon kay Mayor Toby Tiangco ang pasyente ay inihatid na sa kanyang bahay sa Brgy. NBBN kahapon.
Ang pasyente ay na-admit sa Navotas City Hospital.
Kahapon ay dalawa naman ang nadagdag sa bilang ng mga nahawa ng COVID-19.
“Ang mga pasyente ay mula sa Brgy. BBS at Brgy. Tangos North. Nagsagawa na po ng contact tracing ang ating mga kawani para ma-swab ang kanilang mga close contacts o mga taong nakasama,” ani Tiangco.
“Para po mas maproteksyunan natin ang ating kalusugan laban sa COVID-19, i-download at gamitin ang RC143 app sa Google Play. Sa pamamagitan nito, mamomonitor nyo kung nagkaroon kayo ng close contact sa pasyenteng may COVID-19 at malalaman nyo saan ang mga COVID hotspots.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.