2 missing, higit 150k bakwit dahil kay 'Ambo' | Bandera

2 missing, higit 150k bakwit dahil kay ‘Ambo’

John Roson - May 15, 2020 - 12:02 PM

DALAWANG tao ang nawawala, isa ang nasugatan, at mahigit 150,000 pa ang nagsilikas dahil sa paghagupit ng bagyong “Ambo” sa maraming bahagi ng Luzon at Visayas, ayon sa mga awtoridad.

Naitala ang dalawang nawawala sa Brgy. Tubabao, bayan ng Oras, Eastern Samar, ayon sa ulat ng Office of Civil Defense-Eastern Visayas.

Sugatan naman si Edmundo Jabon, 56, nang maaksidente ang kanyang bangka sa bahagi ng dagat na malapit sa Jiabong, Samar.

Napag-alamang sumundo siya ng isang tao sa Daram, pero nang pabalik na sa Jiabong ay wasakin ng malalakas na hangin at alon ang bangka.

Inanod siya sa baybayin ng Paranas, at doon nasagip alas-5:20 ng hapon Huwebes, ayon sa OCD.

Bukod sa mga naturang insidente, may naiulat nang nasirang tatlong bahay sa Western Samar, at nasira din ng bagyo ang municipal gymnasium ng Maslog, Eastern Samar.

Samantala, mahigit 150,000 katao na ang naitalang nagsilikas dahil kay “Ambo,” na humagupit habang nagpapatupad ng health protocols gaya ng physical distancing laban sa 2019-Coronavirus disease.

Sa Bicol lamang, 145,719 katao na ang nagsilikas sa Albay, Camarines Sur, Masbate, at Sorsogon, ayon sa tanggapang pangrehiyon ng OCD.

Sa naturang bilang, 141,693 ang nasa evacuation centers habang 4,026 ang nakikisilong sa bahay ng mga kaanak at kaibigan.

Mayroon namang naiulat na 6,474 katao o 1,648 pamilya na nagsilikas sa lalawigan ng Samar.

Inaasahang dadami pa ang lilikas habang umuusad sa kalupaan si “Ambo.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending