Vina sa basher: Hindi kami madrama, kami po ay lumalaban lang | Bandera

Vina sa basher: Hindi kami madrama, kami po ay lumalaban lang

Ervin Santiago - May 15, 2020 - 11:37 AM

“ANG dami n’yong drama!” 

Yan ang comment ng isang netizen sa magkapatid na Vina Morales at Shaina Magdayao sa pagtatanggol nila sa ABS-CBN.

Humarap si Shaina sa ikalawang online protest ng mga Kapamilya stars kamakailan at naglabas din ng kanyang saloobin sa pagpapatigil sa operasyon ng kanyang mother network.

Isa sa mga nabanggit ng dalaga ay ang pangamba niya para sa 11,000 empleyado ng network na mawawalan ng trabaho kung tuluyan na ngang magsasara ang ABS-CBN.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Vina ang video ng pagsasalita ni Shaina sa Facebook Live chat ng “#LabanKapamilya” online protest.

“I’m proud of you indai inapotpot Shaina Magdayao. Ako po ay nakikiisa sa aking kapatid na patuloy na sumusuporta sa ABS-CBN. 

“Lalong lalo na po sa mga empleyado na nawalan ng hanap buhay sa panahon ng may pandemic. 

“Tama po ‘wag na po kaming isama mga artista dahil maski papano kami ay mabubuhay sa aming mga naipon,” ang caption ni Vina sa IG video.

Pagpapatuloy pa niya, “Iniisip po namin ang mga pamilya ng mga empleyado na sa kanila ay umaasa. 

“Ako po ay patuloy na magdadasal at ako ri’y nagpapasalamat sa Kongreso sa binigay na panahon at pagdinig ng boses ng aming mga kapamilya. Salamat po,” aniya pa.

May mga sumang-ayon at nag-like sa IG post ni Vina pero may isang basher ang nangnega sa magkapatid at nag-dialogue ng, “Andaming drama.”

Hindi ito pinalampas ni Vina at talagang sinagot ang netize. Aniya, nababahala lang sila na mas marami pa ang mawalan ng trabaho ngayong may COVID-19  pandemic sa bansa.

Bwelta ni Vina, “Hindi po kami madrama. Ginagawa po namin ‘yan sa mga teleserye. 

“Kami po ay lumalaban para sa kapwa namin empleyado ng abscbn na ngayon ay walang trabaho habang may pandemic. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Lahat po tayo ay nahihirapan sa mga oras na ito lalo na sa mga taong walang trabaho. Diyos na lang po ang bahala sa inyo,” lahad pa ng sister ni Shaina.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending