Jennylyn sa mga anti-ABS-CBN: Wag nating pagtawanan ang pinagdaraanan nila | Bandera

Jennylyn sa mga anti-ABS-CBN: Wag nating pagtawanan ang pinagdaraanan nila

Ervin Santiago - May 15, 2020 - 09:51 AM

JENNYLYN MERCADO

HINDI man diretsong tinukoy ni Jennylyn Mercardo, mukhang ang mga opisyal at tauhan ng National Capital Region Police Office ang target ng kanyang lockdown hugot.

Nag-post ang Kapuso actress sa kanyang social media account ng saloobin tungkol sa mga lumalabag sa enhanced community quarantine protocol, may posisyon ka man o ordinaryong tao.

 “Pag sinabing ‘No one is above the law,’ dapat siguraduhin na lahat.

“If anyone violates any guidelines, dapat mabigyan sila ng karapat dapat na parusa na nauukol sa batas, regardless of their position, power, or political influence.

“Lahat tayo ay pantay pantay,” ang mensahe ni Jen.

Naniniwala ang mga netizens na para ito sa isinagawang “manañita” o birthday salubong para kay NCRPO Chief Major General Debold Sinas at sa kanyang mga tauhan, na matatawag daw na ECQ protocol violation.

Samantala, nagsalita rin ang Kapuso actress para idepensa ang mga  Kapamilya stars na bimabatikos ngayon dahil sa pagtatanggol nila sa ABS-CBN na ipinasara ng NTC.

Sinagot ni Jen sa Facebook ang isang basher na nangnega sa mga Kapamilya stars at pinagtawanan pa ang nangyaring pagpapasara sa Dos.

“All your opinions are valid. Just because you disagree with the opinion of others, doesn’t give you the right to belittle or make fun on anyone.

“Our enemy is not each other, but the virus,” bahagi ng FB status ni Jen.

Bukod dito, ipinost din ng girlfriend ni Dennis Trillo ang screenshot ng harsh at negang comment ng isang FB user patungkol sa mga artista ng ABS-CBN na naglalabas ng kanilang saloobin 

Sey ng basher, “Ya the virus not the drama of abs cbn artista [laughing emojis] ampalaya ako bakit ba.”

Reply naman ni Jen sa kanya, “Pasensya na po. But you are missing the point. What if you put yourself in their position?

“Wag po natin gawin katawa tawa ang pinagdaraanan nila. Mali po yun,” aniya pa.

Sunud na post ng aktres, “People who comment like this are not welcome in this page.

“Bilang tao, dapat nagtutulong tulong tayo na iuplift ang isa’t isa lalo na ngayon na may pinagdadaanan tayong krisis.

“Hindi yung pagtawanan o ibash ang kapwa. Yan ang unang tinuro sakin ni Mama Lydia ko, ang maging mabait sa kapwa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“No one has any right to be mean to any other human being. Nakalimutan na ba nating maging makatao?”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending