Basher na nangnega kay Mega supalpal: Bilyonarya ako!
SINOPLA ni Megastar Sharon Cuneta ang isang netizen na nagsabing baka sa sariling bulsa lang niya mapunta ang mahigit P2 milyong donasyon ng mga nanood sa concert niya.
Hindi pinalampas ng veteran singer-actress ang pangnenega ng nasabing hater at talagang sinupalpal niya ito nang bonggang-bongga.
Ipinamukha pa niya rito na mayaman siya, sa katunayan umabot na sa mahigit P5 million na ang nai-donate niya para sa COVID-19 relief mission.
Mismong si Angel Locsin na ang nagsabi na P3 million ang donation ni Sharon sa ginawa nilang fundraiser habang P1 million naman ang ibinigay niya sa benefit concert ni Regine Velasquez last month.
Nitong nakaraang Mother’s Day, nagkaroon ng fundraising concert si Sharon at nakalikom nga sila ng P2.3 million na mapupunta naman sa ABS-CBN Pantawid Ng Pag-ibig relief operations.
Nag-post pa si Mega sa Instagram ng breakdown ng nalikom nilang donasyon at kung saan-saang financial channels ito nanggaling. Maraming natuwa sa ginawa ni Sharon pero meron ding nambasag.
Tulad na lang ng isang basher na nag-comment ng, “Where you going to put the donation in your account (sic)?”
Ipinagtanggol ng mga Sharonians ang kanilang idol at sinabing napakayaman na nito para magnakaw pa.
Sa comment ng isang netizen na nagsabing milyonarya na siya para gumawa ng masama, nag-reply si Mega, “Sorry, correction anak: sabi ko pero di yata malinaw, BILyonarya. Since my 30s.”
“Nakakalungkot ang mga minamasama ang pagtulong sa kapwa na galing sa puso.
“Sabagay ang importante lang naman, ang Diyos ang may alam and the people who really matter to me like you,” dagdag pa niyang komento.
Hirit pa niya sa mga negatron sa social media, “And para sa mga judgmental na wala naman naitutulong sa kapwa, over 5M na anak (donasyon). Na di ina announce ang iba.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.