Yasmien nakatutok sa mental health ng anak: Ine-explain ko ang new normal | Bandera

Yasmien nakatutok sa mental health ng anak: Ine-explain ko ang new normal

Jun Nardo - May 13, 2020 - 11:22 AM

TODO ang tutok ni Yasmien Kurdi sa mental health ng anak na si Ayesha ngayong patuloy na ipinatutupad ang enhanced community quarantine.

      Ipinapaliwanag ni Yas ang mga rason kung bakit hindi na puwedeng maglaro sa labas ang anak at bumisita sa kanyang mga kaibigan.

      “I explained to her na ito na ang new normal set up ng society natin at kailangan ko ipaliwanag na temporary lang ito na someday magiging okay din ang lahat,” saad ni Yas sa isang panayam through video conference.

      Bukod sa pagre-remind na palaging maghugas ng kamay at ang kahalagahan ng pamamalagi sa bahay, pinoprotektahan din ng Kapuso actress ang mental health ng anak.

      “In fairness naman sa mga bata ngayon kasi, may sarili na silang chatroom at napag-uusapan na rin nila ang situation ngayon. They are very aware of what’s happening,” saad pa ni Yasmien.

* * *

                                    

Sinaluduhan ng manonood ang pagiging patas ng GMA Network sa pagre-report tungkol sa franchise ng ABS-CBN.

      Ngayong malapit nang simulan ang pagdinig sa prangkisa, siguradong tututukan din ito ng 24 Oras sa mga susunod na araw.

      Patunay lang na balanse ang Kapuso at totoo sa pagsasabi ng walang kinikilangan, walang pinoprotektahan, walang kasinungalingan at serbisyong totoo lamang, huh!

                                

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending