Willie abonado na sa pamimigay ng cash sa Wowowin, pero... | Bandera

Willie abonado na sa pamimigay ng cash sa Wowowin, pero…

Cristy Fermin - May 13, 2020 - 11:15 AM

ANG programa lang ni Willie Revillame ang puwedeng sabihing live na dumarating ngayon sa pamamagitan ng GMA 7, YouTube at Facebook.

    “Tutok To Win” ang pansamantalang naisip niyang titulo ng kanyang Wowowin dahil ang paraan para makapagbigay siya ng papremyo sa kanyang mga callers ay ang pagtutok sa kanyang show.

    Paulit-ulit ang kanyang paalala, “Kailangang nanonood po kayo, dapat talagang nakatutok kayo para masagot n’yo ang tawag namin.

    “Kung hindi kayo nakatutok, paano kayo mananalo? Sayang ang limang libo, ang sampung libo, napakalaking tulong ngayon ng halagang palalampasin n’yo kung hindi kayo tututok,” parang sirang plaka nang paulit-ulit na sinasabi ng TV host.

    Mula sa buong Pilipinas ang nagrerehistro ng pangalan at address sa kanyang show, madalas nga ay mula sa malalayong probinsiya ang kanyang natatawagan, sobrang saya ng mga nakakausap ni Willie.

    Totoo naman ang kanyang punto, sa panahon ngayon ng lockdown ay hindi basta-basta mapupulot sa kung saan lang ang cash na ipinamamahagi niya, kaya nakapanghihinayang ang pagkakataon.

    Sabi ng isang kaibigan namin na palaging nanonood ng show ni Willie, “Kunsabagay, hindi naman nagpanggap si Willie na perfect siya. Ikinukuwento pa nga niya ang pinagdaanan niyang buhay.

    “Natuto lang talaga siyang lumaban kaya nag-succeed siya. Saka may kakambal siyang suwerte dahil ilang bagsak na ang inaabot niya, pero nakababangon pa rin siya.

    “Pero ‘yung pagiging barubal niya, e, palaging kadikit ng personality niya. Natatawa nga ako kapag kinakausap niya ang bibigyan niya ng prize sa kabilang linya.

    “Sinasabihan niya ng ‘Hoy! Lumayo ka sa TV n’yo, nagpi-feedback!’ Nakakaaliw siya dahil napakanatural niya!” sabi ng kaibigan namin.

    Pinalalampas na ng marami ang ganu’n dahil ang mas mahalaga nga naman ay ang malasakit ni Willie sa ating mga kababayan.

    Wala siyang gaanong commercial ngayon, ilang sponsors lang ang nakakatuwang niya sa pamamahagi ng tulong, kaya puro abono ang ginagawa ngayon ni Willie.

    Hindi ‘yun iindahin ng bulsa ni Willie dahil isa siyang bukod-na-pinagpala, milyonaryo siya, kaya ang mababawas sa kanyang kaban ngayong panahon ng lockdown para sa ating mga kababayan ay walang problema sa kanya.

    Puso niya ang nagdidikta sa pagtulong, walang kahit sinong namilit sa kanya, ‘yun ang dahilan kung bakit ginawa niya ang lahat ng legal na proseso para makalipad na siya sa Manila mula sa Puerto Galera.

* * *

Kapag nagsisigawan na ang mga tinatawagan ni Willie Revillame ay tumatawid sa manonood ang kanilang emosyon. Nakakapangilabot lalo na kapag umiiyak na ang nasa kabilang linya.

    Kahit si Willie ay pansamantalang napapatulala kapag ganu’n, kaya ang sasabihin na lang niya, ‘Masasaya sila, napakahirap nga naman kasi ng buhay ngayon.”

   Ang kadalasang sinasabi ng mga nananalo ay ipambibili nila ng gamot at bigas ang premyo mula kay Willie. May kasamang pag-iyak ‘yun, kaya agad naman silang sasabihan ni Willie na huwag na silang malungkot, dahil ipadadala na agad nila ang papremyo kinabukasan.

    Sa mga panahong ito na wala pa ring kinikita ang mga kababayan nating manggagawa at umaasa lang muna sa ayuda ng kanilang barangay ay isang regalo mula sa langit ang mga ginagawa ni Willie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

    Sabi niya, “Nananalamin ako sa kanila, galing din ako sa hirap, talagang kung minsan, e, parang mawawalan ka na ng pag-asa.

    “Pero palaging may hope, hindi tayo dapat bumitiw, kakambal ng pag-asa ang pananampalataya na isang araw, babangon uli tayo,” pahayag ni Willie Revillame.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending