NASAKOTE ng pulisya ang limang lalaki at nasamsam umano sa kanila ang P102,000 halaga ng shabu sa Quezon City kagabi.
Kinilala ang mga suspek na sina Manuel Paul Malcampo, 36, walang trabaho, Jalil Paco, 33, vendor, Ronald Naces, 33, security guard, Guillar Canlas, 24, tricycle driver, at Efren Handugan, 40, sales networking.
Isang buy-bust operation ang inilatag ng pulisya laban sa mga suspek. Nakabili umano ng P10,000 halaga ng shabu ang poseur buyer sa mga suspek alas-8 ng gabi sa Congressional Ave., Extn. Malapit sa Rapide Auto Center, Brgy. Culiat.
Nang maaresto ay narekober umano sa mga suspek ang 12 sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P102,000.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.