Resbak ni Kim sa haters: Grabe siya! May pinatay ba akong kamag-anak niya?
SUNUD-SUNOD ang ginawang pagsagot ni Kim Chiu sa mga bashers kaugnay ng ginagawa niyang pagtatanggol sa ABS-CBN.
Matindi ang natatanggap na pambu-bully at pambabatos ng Kapamilya actress mula sa mga kumakalaban sa kanyang mother network.
Nadagdagan pa ang pangnenega sa kanya dahil sa kontrobersyal na “classroom rules” na kanyang binanggit nang humarap siya sa Facebook Live chat ng Kapamilya stars para ipagtanggol ang ABS-CBN.
Isang netizen ang nam-bash uli kay Kim at talagang minura siya nang bonggang-bongga. Hindi ito pinalampas ng girlfriend ni Xian Lim at agad nireplayan ang hater.
“Grabe naman ate! Inaano po kita para nag mura ka ng ganyan???!!! Grabe ka naman po!
“Sinaktan ba kita?!!! Para magsalita ka ng ganyan! Grabe ka naman!!! Preno preno din!” pahayag pa ng aktres.
Meron pang nanglait sa kanya at nagsabing lumiit na rin ang utak niya dahil sa pagkaadik niya sa pagwo-workout. Sinopla naman siya ni Kim.
“Sa dami ng sinabi ko! Dalawang oras kami nag sasalita duon! Yun lang na pick up mo?!!
“Mas low ka pala sakin eh! Di naman kita kilala pero kung makapagsalita ka! Sobra ka!
“Ikaka proud ba ng nanay mo yung sinabi mo?!” aniya pa.
Marami namang nagpayo sa dalaga na huwag nang patulan ang mga bashers dahil mas lalo lang daw ginahanahan ang mga ito kapag sinasagot ng binabanatan nilang mga artista.
Um-agree naman dito si Kim, “I think so. Kasiyahan nila manira ng kapwa tao. Grabe sila.
“Ikinayaman ba nila manira ng kapwa? Kung ikakayaman nila edi go. Kung hindi why waste your time? To hurt someone?”
Isang fan naman niya ang nagsabi na feeling superior ang ilang tao na ang taas-taas ng tingin sa kanilang mga sarili. Hirit ni Kim, “Exactly!!!!! Ang daming perfect sa pinas! [clapping hands emojis].
“Didnt expect people can be this mean. Parang bakit sila galit na galit? Inano ko ba sila? Sinaktan ko ba?
“May pinatay ba akong kamag anak niya? This people are being so mean. Grabe lang,” pahayag pa ng dalaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.