‘Hindi n’yo kalaban si Coco Martin, wala siyang ginawang mali sa inyo!’
TROLLS and bashers took much of their time lambasting Coco Martin after he articulated his thoughts on the closing of ABS-CBN.
Batikos na kaliwa’t kanan ang inabot ni Coco mula sa mga bashers na kailanman ay hindi niya nakasalamuha o nakadaupang-palad man lang. They spoke as if they knew Coco from head to toe.
But there are those who defended Coco who was torn into smithereens by people whom he has not met.
Colleagues who have worked with Coco took to social media to defend the actor-director. They have more credence as they have worked with Coco and they had therefore experienced first hand the actor’s real personality.
One of them is Mervin Lazaro who recalled Coco’s heroic deed.
“Maraming salamat direk CM sa pakikipaglaban para sa amin… buong tapang mo sinabi yung saloobin mo. Kinalimutan mo yung pang-sariling kapakanan at inisip mo kame…
“Oo mataas at galit sya nung last fb live kase ganun yung tunay nararamdaman nya. Natatakot sya na mawalan kame ng trabaho. Papaano na kame kapag nagsara si ABS? Saan kame pupunta. Alam nyo kung bakit ganyan sya sa amin? Kase mahal nya kame, iniisip ang kapakanan ng ibang tao at totoong tao sya..
“For almost 6 years ko sya katrabaho nakita ko lahat ng kabutihan nya para sa ibang tao. Nung nagkasakit si papa, sya ang nagbayad lahat ng hospital bills… hinde ako nagsabi sa kanya na tulungan nya ako kundi kusa mismo sya nagpadala ng cheque pambayad sa hospital kase Amalam nya na wala din ako that time.
“Kaya nakakalungkot lang yung mga nababasa at napapanuod ko sa soc med puros lahat maling balita o accusation. Alam naman natin na second hand information na yung nabalitaan nyo! Nasa set ba kayo? Andun ba kayo? DI BA WALA!!!!!!!!!!!!!!
“So sana tigilan na natin toh.. tigilan na natin sa paninira kay direk CM kase hinde nyo kalaban si coco martin! At walang ginawang mali sa inyo yung tao!
“NAKATAYO AKO KASAMA MO DIREK COCO MARTIN! Laban para sa kapamilya!”
That was Mervin’s Facebook post.
Just recently, Coco pledged help sa isang lolo na labis na nalungkot dahil sa pagsasara ng ABS-CBN. Die-hard Dos fanatic si lolo kasi ipina-tattoo pa niya sa kanyang mukha at ulo ang mga shows ng ABS-CBN.
“Tay! Maraming, maraming salamat po sa pagsuporta niyo, sobra po namin kailangan ‘yan sa ngayon! Pangako kagaya ng ginagawa ng mga kasamahan kong artista at ng aming kumpanya ang pagtulong namin sa mga nangailangan.
“Pag nakabalik kami pinapangako ko sa’yo, bibigyan kita ng pangkabuhayan ng pamilya mo mag tayo ka ng tindahan dyan sa lugar niyo kami na po ang tutulong sa inyo. Wala na tayong ibang aasahan kundi tayo ang magtutulungan,” say ni Coco sa post.
Coco might have been very emotional in his Facebook Live post but he remains a hero to the many lives whom he has touched.
Mabuhay ka, Coco. You’re TV’s Pambansang Hero!!!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.