PINAPLANO ni Davao City Mayor Sara Duterte ang pagpapatayo ng city-owned crematorium facility para solusyunan ang problema sa cremation services sa gitna ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.
Sinabi ng alkalde na magtatabi ang lungsod ng P12 hanggang P14 million para sa pagpapagawa ng pasilidad matapos na mahirapan ang tatlong crematoriums sa pagsusunog ng mga bangkay habang may COVID-19 crisis.
“We are encountering challenges with the three crematoriums because their cremator (o purpose-built furnace) oftentimes break down or encounter some problems. That is why there are queues in other crematoriums,” sabi ni Duterte.
Aniya, ilalagay ang crematorium sa likod ng chapel sa Wireless cemetery (isang Roman Catholic Cemetery) sa Madapo, Brokenshire.
Maliban sa crematorium, sinabi rin ni Duterte na apat na testing laboratories ang nagpasa ng aplikasyon para makapagbukas sa siyudad para mapantayanang testing na isinasagawa sa Southern Philippines Medical Center (SPMC).
Dagdag niya, pinatatakbo ng Davao City ang 14 isolation facilities na kasya ang 600 pasyente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.