'Hindi demonyita si Kris para ikatuwa ang pagbagsak ng ABS-CBN!' | Bandera

‘Hindi demonyita si Kris para ikatuwa ang pagbagsak ng ABS-CBN!’

Cristy Fermin - May 12, 2020 - 12:58 PM

MARAMI siyempreng nang-uusisa sa amin kung bakit nananahimik si Kris Aquino tungkol sa pagpapasarado ng NTC sa ABS-CBN.

    Siguro, para sa mas nakararami, ay ito na ang tamang panahon para balikan ng aktres-TV host ang pagsipa sa kanya ng network mag-aapat na taon na ang nakararaan.

    Pero nabigo ang maraming nag-aabang sa pagsali ni Kris sa malawakang isyu, hindi siya nakisawsaw, samantalang punumpuno ang kanyang bibig ng mga puwedeng sabihin kung tutuusin.

    Pero tama lang na hindi na siya magsalita pa, wala naman siyang aanihing maganda sa kung anumang mga opinyon ang pakakawalan niya, hindi lang siya maiintindihan ng mayorya.

    Puwede siyang magpakawala ng kanyang emosyon dahil hindi naman ganu’n kadaling tanggapin ang ginawa sa kanya ng istasyon pero para ano pa?

    Lalabas lang na nagpapakabibo na naman siya, na nasa kanya ang huling halakhak, dahil sa ginawang pagtatapon sa kanya ng istasyon.

    Mas maganda na ang ganyang tahimik lang siya. Wala siyang sinasabi at tahimik ang kanyang mundo. Walang mambubulabog sa kanya. Walang tatawag sa kanya na benggadora.

    Sarilinin niya na lang ang kung anumang nararamdaman niya ngayon, pero kung kilala nga namin si Kris, hindi naman siya demonyita na ikatutuwa pa ang pagbagsak ng network na sumipa sa kanya.

    Sa totoo lang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending