Willie: Patawad po sa lahat ng nasaktan at naagrabyado ko! | Bandera

Willie: Patawad po sa lahat ng nasaktan at naagrabyado ko!

Ervin Santiago - May 12, 2020 - 08:38 AM

WILLIE REVILLAME

NAG-SORRY ang TV host-comedian na si Willie Revillame sa mga taong nasaktan niya noon.

Nangyari ito sa nakaraang episode ng Wowowin na nagse-celebrate ngayon ng 5th anniversary sa GMA 7. Dito binalikan niya ang matinding hirap at sakripisyong pinagdaanan niya bago narating ang tagumpay.

Inamin ni Willie na muntik na siyang sumuko noon dahil walang kinikita ang programa dahil puro palabas ang pera na galing mismo sa kanyang bulsa.

Kung matatandaan, May 10, 2015 umere ang unang episode ng game show ni Willie sa GMA na once a week pa lang noon hanggang sa maging araw-araw nang na.

Nagpasalamat siya sa mga bossing ng GMA na sina Atty. Felipe Gozon, chairman and chief executive officer; Jimmy Duavit Jr., president at chief operating officer; at Philip Yalung, chief finance officer; head ng Acquisition Department na si Joey Abacan at iba pa.

“Nagsimula po talaga ako sa GMA sa Lunch Date,” ani Willie na ang tinutukoy ay ang dating noontime show ng istasyon na napanood mula 1986 hanggang 1993.

Isa siya sa mga “Hawi Boys” ng host ng show na si Randy Santiago, “Kasama ko diyan si Kuya Randy, sidekick. Kapag lumalabas, yung ‘Super Suman’ niya, pag binubugbog, ako yun.

“Kapag umusok na, lalabas na si Kuya Randy, naka-briefs siya ng Super Suman. Ang bayad sa akin, P150,” pag-alala ng TV host. Aniya, umabot naman daw ang kanyang talent fee sa P250.

Nu’ng mga unang buwan ng Wowowin, kay Willie talaga nanggagaling ang lahat ng budget, “Hindi po ako kinuha ng GMA para maging talent. 

“Ako ho ang nag-produce ng Wowowin for how many days, for how many months. Nagsimula ako ng 3:30 p.m.. ng Sunday. May 10 po iyon.

“Ilang buwan lang, e, medyo mabigat na, kasi walang commercials, wala kaming marketing.

“Hanggang sa sinabi ko sa GMA, ihihinto ko na, wala na akong pera.

“I’m spending about P14 million a month, yun ang ginagastos, sarili kong pera ‘yon.

“Laki na ho nagagastos ko, walang bumabalik. Ganoon talaga, e. Alam niyo naman ang buhay, laging sugal ‘yan, e,” aniya.

“Nagri-rate ng konti, nagri-rate siya, nakakatuwa… ng Sunday ng 3:30 p.m.. Kaya lang, walang pumapasok ng pera, labas ako nang labas ng pera,” sey ng TV host.

Hand nang magpaalam noon si Willie pero nakipag-meeting nga sa kanya ang mga GMA executives at sabihing willing silang maging co-producer ng show, “’Hati ng gastos. Kung ano ang kaya mo, kung ano ang kaya namin… airtime, ganito. Kami ang magbebenta ng programa mo.’ Nabuhayan po ako doon.”

“Kaya ko ho kinukuwento ito dahil akala niyo ganoon lang ho kadali ang pagpasok sa GMA. Butas din ho ng karayom ang pinagdaanan ko diyan,” paliwanag pa ni Willie.

Sa isang bahagi ng programa, nag-sorry nga si Willie sa mga taong nagawan niya ng hindi maganda, “Kung ako’y nagkasala dati, patawarin niyo ako sa lahat ng naagrabyado ko, nasaktan ko.

“I’m sorry. Ganoon ang buhay, humihingi ako ng tawad sa inyo,” aniya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, live pa ring napapanood ang Wowowin sa GMA pero walang audience. Dito, gabi-gabing namimigay ng pera si Willie sa pamamagitan ng “Tutok to Win.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending