Frankie Pangilinan naka-discover ng bagong criteria para sa future jowa
MAY nadiskubreng bagong pamantayan ang anak ni Megastar Sharon Cuneta na si Frankie Pangilinan sa pagpili ng magiging jowa.
Sa gitna ng patuloy na pagpapatuloy na pagpapatupad ng enhanced community quarantine sa bansa, napaisip si Frankie tungkol sa mga qualities na dapat hanapin ng isang tao sa kanyang magiging partner in life.
Sa kanyang Twitter account, nag-post ang dalaga tungkol sa term of endearment ng kanyang inang si Mega at amang si Sen. Kiko Pangilinan, Frankie Pangilinan. Dito nga niya naisip ang isa sa importanteng criteria para sa inyong future “jowa.”
Chika ni Frankie, never niyang narinig na nagtawagan ng honey, sweetheart, love at iba pang couple names ang mga magulang kapag sila’y nasa bahay at magkakasama.
“Just realized i have never once heard my parents call each other by name they just call one another mom and dad and i don’t know what to do with this information,” tweet ni Frankie.
Dugtong pa niya, “Bagong criteriang pang jowa – can you see yourself calling them mom/dad? are they mom/dad material?”
Isang follower ng Mega daughter ang nagkomento ng, “Never gonna have this problem if ur not gonna have kids so im gud.”
Sagot naman ni Frankie, “TBH (to be honest) maybe same i haven’t decided.”
Kamakailan, ibinandera naman ni Frankie ang kanyang hugot sa tila paulit-ulit at paikut-ikot na tema at kuwento ng mga romcom movies sa Pilipinas.
“Why Filipino rom-coms always gotta be like… the guy is a ‘bad boy’ who annoys the girl, they spend half the movie trying to piss each other off.
“Then someone gets hurt [probably the girl], and they soften, someone ends up in the hospital at some point [shock! disease], happy,” sey ng dalaga.
Hirit pa niya, “It fully sends me that someone always ends up in the hospital, or dead, or having a secret ailment. Why is everyone so unhealthy.”
Tweet pa ng dalaga, “Do i still watch and enjoy them and cry every time? Yes. Would i appreciate some diversity? gender equality? less toxic dynamics? Of course.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.