Nadine may 'throwback paandar' para sa b-day ni James; JaDine fans nagpiyesta  | Bandera

Nadine may ‘throwback paandar’ para sa b-day ni James; JaDine fans nagpiyesta 

Ervin Santiago - May 11, 2020 - 06:25 PM

JaDine

MULING nabuhay ang dugo ng diehard JaDine fans matapos mag-post si Nadine Lustre ng throwback photo nila ng ex-boyfriend na si James Reid.

Tuwang-tuwa siyempre ang mga tagasuporta ng Kapamilya ex-couple sa simple pero makahulugang pag-alala ni Nadine sa birthday ni James.

Ngayong araw, May 11, ang 27th birthday ng singer-actor-producer at bilang pagbati ni Nadine sa dati niyang partner, ipinost niya uli ang black and white photo nila together.

Kuha ito noong mag-hike sila sa Mount Ulap sa Itogon, Benguet nitong nakaraang January kasama ang kanilang mga malalapit na kaibigan.

Sunud-sunod ang comments ng mga IG followers ni Nadine, kabilang na ang mga kaibigan niya sa showbiz. At halos lahat sila ay nagpahayag ng pagsuporta at pagmamahal sa JaDine tandem.

Nag-trend ngayong araw ang hashtag na “#James27REIDyYears” at “#JamesReid” sa dami ng mga nakaalala at patuloy na bumabati sa binata. Bukod dito, trending din ang hashtag “#Nadine.”

Siyempre, umaasa pa rin ang fans ng dalawa na sa huli ay sila pa rin ang magkakatuluyan. 

Nito lang ding nagdaang January nang i-announce ng dalawa ang kanilang break-up pero siniguro nila na maayos silang naghiwalay at nananatiling magkaibigan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending