183 brgy. official iniimbestigahan ng PNP sa maanomalyang pamimigay ng SAP -- DILG | Bandera

183 brgy. official iniimbestigahan ng PNP sa maanomalyang pamimigay ng SAP — DILG

John Roson - May 11, 2020 - 03:23 PM

UMABOT na sa 183 barangay official ang iniimbestigahan ng pulisya para sa umano’y maanomalyang pamimigay ng perang ayuda mula sa Social Amelioration Program, ayon kay Interior and Local Government Secretary Eduardo Año.

Iniimbestigahan ng PNP Criminal Investigation and Detection Group ang mga opisyal para sa posibleng graft and corruption, ani Año.

Dumami aniya ang natanggap na sumbong ng DILG at Department of Social Welfare ang Development matapos mag-alok ni Pangulong Rodrigo Duterte ng P30,000 sa sinumang makapagsusuplong ng barangay official na sangkot sa katiwalian sa pamumudmod ng SAP.

“Sa dami ng ating reklamong natanggap, 183 na ang iniimbestigahan ng ating kapulisan dahil may posibleng probable cause dito,” ani Año.

Una nang naaresto para sa anomalya sa pamimigay ng SAP ang isang barangay kagawad ng Hagonoy, Bulacan, habang isa namang barangay chairman sa Isabela, Negros Occidental, ang nakasuhan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending