So wagi sa 1st game ng World Chess Cup
TINALO ni Grandmaster Wesley So (Elo 2710) ng Pilipinas si GM Alexander Ipatov ng Turkey (Elo 2584) sa 45 moves ng Petroff-Staunton Variation para matagumpay na buksan ang kampanya sa 2013 World Chess Cup noong Linggo sa Tromso, Norway.
Tabla na lamang ang kailangan ng No. 33 seed na si So para tuluyang mapatalsik si Ipatov at makausad siya sa pangalawang round.
Nabigo naman noong Linggo ang dalawa pang Pinoy sa torneo na sina 100th seed GM Oliver Barbosa (Elo 2571) at 110th seed GM Mark Paragua (Elo 2565). Kailangan nilang manalo sa Game 2 para makapuwersa ng dalawang tie-break rapid games.
Yumuko si Barbosa kay 29th seed GM Le Quang Liem ng Vietnam (Elo 2702) sa 43 moves ng Slav Defense habang dumapa naman si Paragua kay 28th seed GM Dmitry Jakovenko ng Russia (Elo 2724) sa 67 moves ng Sicilian-Bastrikov Variation.
Nagkaroon naman kalituhan kahapon sa inilabas na resulta sa official website ng World Chess Cup. Una kasing ipinoste sa website na nanalo sa unang laban si Paragua ngunit itinama ito ng mga organizers pagkalipas ng ilang minuto.
at Chess Cup na nagsasabing panalo si Paragua.
Sa blog ni Susan Polgar at famous chessbase.com nagsabi naman panalo si Jakovenko kay Paragua. Ipinaliwanag naman ni Mr. Reginald Tee, long-time benefactor ni So na panalo talaga si Jakovenko kay Paragua.Si GM Darwin Laylo, isa sa closiest friend ni Paragua, currently competing sa Kuala Lumpur Chess nagsabing si Jakovenko ang nanalo kontra kay Paragua.
Ang journeyman na si Rhobel Legaspi, kaibigan din ni Paragua nagsabing ” Mark lost his game to Jakovenko,”. Na klaro din ni 12-time National Open champion GM Rogelio “Joey” Antonio Jr. na panalo si Jakovenko at niya tignan ang final position.
Ani naman ni Fide arbiter James Infiesto, NCFP coordinator sa Mindanao “there is always a factor of Human Error”. ” I think the organizers of World Cup are the best people to explain what happened and should try to avoid committing the same mistake” dagdag pa ni Infiesto, Filipino arbiter sa ASEAN Age Group plus sa Changmai, Thailand at Asian Indoor Games sa Incheon, Korea.
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.