DAHIL bumaba ang bilang ng krimen sa bansa kaya dapat lang na ituloy ang pagpapatupad ng curfew sa buong bansa, ayon kay Joint Task Force COVID-19 Shield commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar.
Ani Eleazar, deputy chief for operations ng Philippine National Police (PNP), bumagsak ng 61 porsyento ang crime rate sa bansa simula nang ipairal ang enhanced community quarantine sa Luzon.
“Maganda ang resulta ng pagpapatupad ng curfew. Maalis man itong mga community quarantine, tingin ko, napakagandang intervention na merong curfew sa gabi if you’re a non-worker,” aniya sa panayam sa Dobol B sa News TV. “Dati ‘yung issue about curfew before ECQ, parang ang hirap tanggapin ng ating mga kababayan. This should be part of the ‘new normal’.”
Hirit pa niya, dahil walang pagkakataon na gumawa ng krimen bunsod ng curfew, nabasawan ang oportunidad na gumawa ng masama ang mga kriminal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.