Kris namigay ng pera sa 10 pamilya; apektado sa galit ni Duterte  | Bandera

Kris namigay ng pera sa 10 pamilya; apektado sa galit ni Duterte 

Ervin Santiago - May 10, 2020 - 12:38 PM

SAMPUNG masusuwerteng pamilya ang bibigyan ni Kris Aquino ng cash gift ngayong Mother’s Day.

Kagabi, humarap ang TV host-actress sa madlang pipol para makipagkumustahan sa kanyang fans and social media supporters sa pamamagitan ng Facebook Live.

Nasa isang resort pa rin sa Puerto Galera si Kris kasama ang mga anak na sina Joshua at Bimby. Talagang inabang ng mga netizen ang kanyang FB Live session dahil libu-libo nga ang nanood dito.

Bago magsimula ang live chat ni Tetay, nag-announce na siya sa kanyang socmed accounts na magbibigay siya ng P5,000 sa 10 pamilyang mapipili niya bilang bahagi ng Mother’s Day celebration ngayong araw.

Kagabi, kasama niyang pumili sa mga makatanggap ng cash gift ang anak na si Bimby base na rin sa mga ipinost na Mother’s Day message ng mga netizens during her online session.

“Noong napanood ko si Presidente (Rodrigo Duterte) na nagagalit siya du’n sa nagnakaw pa du’n sa mga binibigay sa mga tao, parang mali naman yun, not now, not ever of course but most especially now. 

“Parang yung kunsensya mo naman sana kasi isipin natin lahat tayo mga Filipino at kung hindi tayo magtutulungan, hindi tayo makakabangon ngayon. 

“So this is my way of trying my best. At least if there are only ten families tomorrow na medyo napaligaya ko, at least may ten families na napaligaya,” pahayag ni Tetay.

Samantala, nae-enjoy naman ni Kris ang buhay-probinsya kasama ang dalawang anak lalo pa’t malapit na malapit sila sa dagat na palaging nagpapakalma sa kanya.

“Gusto ko ang buhay probinsya. Yung dalawang bata nag-react na parang hindi sila nag-a-agree. Ha-hahaha! Ako masaya kasi malakas naman yung internet so okay na ako. Kasi by the beach kami eh, parang dito kapag ang tanawin mo ang linis-linis, sobrang linis ng tubig,” aniya.

Nakachikahan din ng TV host ang ilang celebrities sa kanyang FB Live session kabilang na sina Empoy, Jaya at K Brosas.

Kris namigay ng pera sa 10 pamilya; apektado sa galit ni Duterte 

SAMPUNG masusuwerteng pamilya ang bibigyan ni Kris Aquino ng cash gift ngayong Mother’s Day.

Kagabi, humarap ang TV host-actress sa madlang pipol para makipagkumustahan sa kanyang fans and social media supporters sa pamamagitan ng Facebook Live.

Nasa isang resort pa rin sa Puerto Galera sa Batangas si Kris kasama ang mga anak na sina Joshua at Bimby. Talagang inabang ng mga netizen ang kanyang FB Live session dahil libu-libo nga ang nanood dito.

Bago magsimula ang live chat ni Tetay, nag-announce na siya sa kanyang socmed accounts na magbibigay siya ng P5,000 sa 10 pamilyang mapipili niya bilang bahagi ng Mother’s Day celebration ngayong araw.

Kagabi, kasama niyang pumili sa mga makatanggap ng cash gift ang anak na si Bimby base na rin sa mga ipinost na Mother’s Day message ng mga netizens during her online session.

“Noong napanood ko si Presidente (Rodrigo Duterte) na nagagalit siya du’n sa nagnakaw pa du’n sa mga binibigay sa mga tao, parang mali naman yun, not now, not ever of course but most especially now. 

“Parang yung kunsensya mo naman sana kasi isipin natin lahat tayo mga Filipino at kung hindi tayo magtutulungan, hindi tayo makakabangon ngayon. 

“So this is my way of trying my best. At least if there are only ten families tomorrow na medyo napaligaya ko, at least may ten families na napaligaya,” pahayag ni Tetay.

Samantala, nae-enjoy naman ni Kris ang buhay-probinsya kasama ang dalawang anak lalo pa’t malapit na malapit sila sa dagat na palaging nagpapakalma sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Gusto ko ang buhay probinsya. Yung dalawang bata nag-react na parang hindi sila nag-a-agree. Ha-hahaha! Ako masaya kasi malakas naman yung internet so okay na ako. Kasi by the beach kami eh, parang dito kapag ang tanawin mo ang linis-linis, sobrang linis ng tubig,” aniya.

Nakachikahan din ng TV host ang ilang celebrities sa kanyang FB Live session kabilang na sina Empoy, Jaya at K Brosas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending