Utang sa Pag-IBIG pinababayaran agad, inalmahan ng lady solon
UMAPELA si Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera sa Pag-IBIG Fund na huwag ituloy ang anunsyo nito na lahat ng loan amortization due na natapat sa Enhanced Community Quarantine ay dapat na bayaran sa unang araw ng pasok matapos ang Enhanced Community Quarantine.
Ayon kay Herrera masyado itong magiging mabigat dahil mayroong may mga utang na tatlong buwan ang kailangang bayaran.
“Nananawagan po tayo sa Pag-IBIG, dapat kayo po ang numero unong nakikisama sa ating mga kababayan. Hindi ninyo pwedeng i-expect na pagbalik sa trabaho bibiglain ninyo na two or three months worth ang babayaran nila,” ani Herrera.
Sinabi ni Herrera na hindi ito ayon sa Bayanihan to Health As One law (RA 11469) na ipinasa ng Kongreso.
“Hindi po ‘yan makatarungan at hindi po ‘yan naaayon sa batas na ipinasa natin,” dagdag pa ng House Deputy Majority Leader.
Sa ilalim ng Section 4 ng Republic Act 11469 lahat ng lending institution ay dapat magbigay ng 30-araw na grace period o extension sa loan payment sa panahon ng ECQ.
Ang nagpatong-patong na bayarin dahil sa mahabang ECQ ay dapat umanong hati-hatiin sa loob ng anim na buwan upang hindi mabigatan ang mga may utang.
“In these trying times, our primary goal must be to ease the burden of our people so that they can focus on overcoming this pandemic and not worry about finances,” dagdag pa ng lady solon.
Nanawagan din si Herrera na gawing automatic ang three-month moratorium na ibinibigay nito para sa loan payment. Ayon sa Pag-IBIG ang mga nais na maka-avail ng moratorium ay mayroon hanggang Hunyo 15 upang mag-apply.
Sa moratorium na nabanggit isang buwang loan amortization at insurance premium ang kailangang bayaran sa due date matapos ang Hunyo 15.
“If indeed Pag-IBIG Fund sincerely wants to provide relief to its borrowers in this time of crisis, it should make sure that all of them are covered by the moratorium and need not file a request or application with the fund.”
30
nihan to Health As One law (RA 11469) na ipinasa ng Kongreso.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.