Boy Abunda saludo sa mga inang frontliners: I bow to you…
VERY meaningful para sa King of Talk na si Boy Abunda ang selebrasyon ng Mother’s Day.
This is the first time kasi na hindi niya makakasama nang pisikal ang kanyang ina at guro na si Licerna “Lesing” Romerica Abunda.
Limang buwan na ang nakalipas simula nu’ng lumisan ang butihing ina ni Kuya Boy.
At kahit ilang buwan na ang lumipas, nandoon pa rin ang lungkot sa puso niya. Sariwa pa rin sa kanyang alaala ang pagpanaw ng kanyang pinakamamahal na ina.
Sa kabila nito, may ipinarating na mensahe si Kuya Boy para sa mga nanay na kabilang sa mga bayaning frontliners sa pamamagitan ng isang video.
“Ang pagmamahal ng isang ina ay mas matimbang sa kahit na anong hamon o pagsubok. From the bottom of our hearts, sa lahat ng nanay na nagmamahal at nagbibigay tibay sa ating lahat sa gitna ng krisis na ito, maraming-maraming salamat,” mensahe ni Kuya Boy.
Dugtong pa niya, “Nothing shines brighter than a mother’s love. I should know. To the frontline mothers, I bow to you with courage, compassion, kindness, heroism, divinity.”
Habang nagde-deliver ng kanyang message, hawak-hawak ni Kuya Boy ang ilang paper bags mula sa ineendorso niyang Frontrow na ipamimigay bilang regalo sa mga frontline mothers.
“Sa mga nanay na nasa frontline, happy Mother’s Day. And God bless you. God bless us all,” pagtatapos na pagbati pa ng Kapamilya TV host.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.