Regine sa bashers ng ABS: Babalik kami, pero ikaw na walang awa hanggang dyan ka na lang!  | Bandera

Regine sa bashers ng ABS: Babalik kami, pero ikaw na walang awa hanggang dyan ka na lang! 

Ervin Santiago - May 08, 2020 - 08:33 AM

REGINE VELASQUEZ

“ANG pananahimik namin ay hindi habangbuhay babalik kaming mas malakas, mas maingay!” 

Ito ang paniniguro ni Regine Velasquez sa lahat ng haters ng ABS-CBN na patuloy na nangnenega at namba-bash sa network mula nang ipatigil ang operasyon nito last Tuesday.

Hindi na rin nakapagpigil ang Asia’s Songbird sa mga anti-ABS-CBN kaya naglabas na siya ng kanyang saloobin laban sa mga taong nagdiriwang pa sa pagsasara ng Kapamilya station.

Sa kanyang Instagram account, nag-post ng mahabang mensahe si Regine at binanatan ang mga “negatron” sa social media. Narito ang kabuuan ng kanyang post.

“Bakit ka nagbubunyi na maraming mawawalan ng trabaho??? Bakit pinagtatawanan mo ang paghihinagpis namin?? 

“Sayo trabaho lang to sa amin kabuhayan to. Maraming pangarap na hindi matutupad dahil dito. Pero ang saya saya mong pinagdiriwang ang pagdadalamhati namin. 

“Ano na ba ang nangyari sayo?? Hindi mo na ba alam kung pano makiramay?? Oo may opinyon ka tungkol dito may mga hindi ka gusto sa palakad dito bagamat hindi ka naman naging parti ng pamilyang ito at hindi mo naman alam ang totoo. 

“Pwede naman sigurong manahimik muna diba?? Kabawasan ba sa pagkatao mo kung maki simpatya ka?? Sa totoo lang ang pagkawala namin sa ere pwede pang hanapan ng sulusyon. Ang mga mawawalan ng trabaho pweding humanap ng ibang pagkakakitaan mahirap pero kaya naman.

“Pero nais naming manatili dito dahil una ito na ang buhay namin at dito tinuring kaming totoong kapamilya. Lahat ng problemang kinakaharap namin kayang mahanapan ng sulosyon sa awa ng Panginoon. Ang pananahimik namin ay hindi habang buhay babalik kami na mas malakas at mas maingay. 

“Pero Ikaw na hindi na marunong makiramay, ikaw na hindi na alam kung pano pa maging mabuting tao, ikaw na napuno na lamang ng puot, ikaw na nalimutan nang MAGPAKATAO…….Pagkatapos ng mga pagsubok na ito mag babalik kami na mas maningning. 

“Pero ikaw hanggang dyan ka na lang. Sa katulad mong walang awa, sa katulad mo na ikinatutuwa ang paghihirap ng iba WALA KA NANG PAGASA!!! 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Naaawa ako sayo dahil pinili mong manatili sa mondo mong maliit pinili mong mag pakain sa sistema. Gayun paman ipagdarasal pa rin kita na sana mahanap mong muli ang iyong puso. God bless Po.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending