MAKARAAN ang higit sa isang taon ay nag-sorry na rin sa wakas ang isang “mahusay” na broadcast journalist sa isang mambabatas na kanyang nai-interview.
Sa nasabing panayam kasi ay tila minaliit ni lady broadcaster ang kakayahan at inabot na edukasyon ang kausap niyang mambabatas.
Pinag-usapan sa nasabing interview kung kailangan nga bang tapos sa kolehiyo o may college degree ang sinumang gustong maging congressman o senador.
Isang matunog na “oo” ang sagot ni Sir na nagmula sa isang mahirap na pamilya bago sumikat at naging isang bilyonaryo.
Sa puntong iyun ay sinabi rin ng mambabatas na nag-aaral siya sa kolehiyo na tila naman ikinagulat ng mamamahayag.
Pinilit niyang sabihin ni sir kung saan siya nag-aral at kung anong kurso ang pinag-aaralan niya.
Dahil ayaw magyabang ay tumanggi ang mambabatas na isapubliko ito.
Hindi nagustuhan ng ilang netizen ang magaspang na pag-uugali sa interview ng naturang mamamahayag at naging viral rin sa social media ang naturang interview.
Makalipas ang isang taon ay muling nag-krus ang kanilang landas at sa puntong iyun ay humingi ng sorry ang naturang brodkaster.
Dahil kilalang mabait at gentleman ay kaagad naman itong tinanggap ng naturang pulitiko sabay ang pagsasabing hindi naman niya minasama ang naturang pangyayari.
Ang bida sa ating kwento ngayon araw ay sina lady brodkaster D…as in Diva at ang mambabatas na si Mr. M….as in Money.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.