4 detainees ng MPD positibo sa virus | Bandera

4 detainees ng MPD positibo sa virus

- May 07, 2020 - 12:55 PM

INILAGAK sa quarantine facility sa Tondo, Maynila ang apat na detenido ng MPD-Sta. Ana Police Station matapos madiskubreng positibo sila sa Covid-19.

Nabatid na ang mga nagpositibo ay may mga edad 26, 43, 37 at 19, na nahaharap sa iba’t ibang kaso.

Kabilang sila sa sumailalim sa rapid testing noong Abril 27 kung saan lumabas na walo ang nagpositibo.

Nang sumunod na dalawang araw atly muli silang sumailalim sa testing,  kabilang na ang dalawang jail officers.

At noong Mayo 3 ay lumabas na ang apat ay positibo sa nakakamatay na sakit kaya agad silang inilipat sa Delpan Sports Complex para obserbahan ng Manila City Health Office.

Bagamat negatibo ang kanilang naging resulta, ang apat pang detenido ay inihiwalay na sa iba pang nakakululong sa nabanggit na istasyon ng pulisya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending