Zanjoe, Angelica pinagmumura ang nagbunyi sa pagsasara ng ABS-CBN | Bandera

Zanjoe, Angelica pinagmumura ang nagbunyi sa pagsasara ng ABS-CBN

Ervin Santiago - May 06, 2020 - 04:23 PM

PINAGMUMURA ng Kapamilya actor na si Zanjoe Marudo ang mga taong tuwang-tuwa pa sa pagsasara ng ABS-CBN.

Hindi na napigilan ng binata ang kanyang galit sa mga nababasang komento laban sa ABS-CBN, lalo na yung mga nagbubunyi sa katotohanang may 11,000 katao ang mawawalan ng trabaho.

Nag-post si Zanjoe sa kanyang Instagram account ng logo ng ABS-CBN na nasa itim na background na may caption na, “Sige tumawa kayo, pero t*ng*na nyo, pagbalik namin magpapasalamat kayo!”

Ginamit pa niya ang mga hashtags na #staystrong at #doubledead. 

Dagdag na mensahe ng aktor, “Alam namin bakit sinara! Ang post na ito ay para sa mga nagbubunyi at tuwang-tuwa na isinara ang ABS.

“Ano ba yan, lahat kailangan word for word. Napakasimpleng salita, hindi maintindihan. Haaayy Pilipinas kong mahal.”

May isang follower naman ang binata ang nagkomento at talagang minura rin siya, “T*ng ina ka rin Zanjoe. Alamin mo kung bakit pinasara.”

Tugon naman ng aktor,  “Alam ko kung bakit sinara! Minumura ko yun mga tuwang-tuwa.”

Hindi rin nagpahuli ang kaibigan ni Zanjoe na si Angelica Panganiban at nakapagmura rin ito nang bonggang-bongga! 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending