Nagkagulatan sa pagpapasara ng NTC sa ABS-CBN | Bandera

Nagkagulatan sa pagpapasara ng NTC sa ABS-CBN

Leifbilly Begas - May 06, 2020 - 12:38 AM

NAGULAT ang mga kongresista sa ginawa ng National Telecommunication Commission na ipahinto ang broadcast operation ng ABS-CBN.

Ayon kay House committee on legislative franchise chairman Franz Alvarez malinaw ang sinabi ng NTC sa pagdinig na hahayaan nito ang operasyon ng ABS-CBN kahit expired na ang prangkisa nito.

“Laking gulat natin na nag-issue sila ngayon ng cease and desist sa ABS-CBN kasi nga hindi ito ang ating napag-usapan. At malinaw, merong resolution ang Senate at meron ding sulat ang Lower House na sinasabi dapat ipagpatuloy,” ani Alvarez.

“Nagulat tayo ngayon na nag-backtrack sila, so kailangan nila ipaliwanag yan sa atin. Sa hearing natin, ating iimbitahan ang NTC para mapaliwanag nila kung bakit,” dagdag pa ng kongresista mula sa Palawan.

Hindi rin umano maganda ang timing ng paglalabas ng cease and desist order ng NTC sa panahon na ipinatutupad ang Enhanced Community Quarantine.

“Ang committee ay naninindigan doon sa ating sinabi na walang reason para isara kayo or mag-off the air habang pending pa rin ang inyong application,” dagdag pa nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending