'Kailan pa naging krimen ang pagbibigay ng tulong?'  | Bandera

‘Kailan pa naging krimen ang pagbibigay ng tulong?’ 

Cristy Fermin - May 05, 2020 - 12:40 PM

Jinggoy

SA mga panahong ito ng enhanced community quarantine ay hindi na gumagana ang panlasa ng mga kababayan nating katatapos pa lang mag-agahan ay naghahanap na ng makakain nila sa pananghalian at hapunan.

    Pinahahalagahan natin ang bawat biyayang dumarating sa atin, ito ang panahon na bigla nating naaalala ang mga nasasayang na pagkain sa mesa, napakaraming nagugutom ngayon.

    Ipinaani ni dating Senador Loi Ejercito ang mga bangus sa kanilang palaisdaan sa Zambales, sinabihan nito sina dating Senador Jinggoy at Col. Jude Estrada na mamigay ng tulong sa mga kababayan nating namamana sa dilim ngayon dahil sa kawalan ng pagkakakitaan, malaking pakinabang ngayon ang mga biyayang dumarating sa anumang paraan at kung sinuman ang nagbibigay.

    Nag-ikot sa San Juan si dating Senador Jinggoy, du’n siya lumaki at nagserbisyo nang matagal na panahon, natural lang na unahin niyang ayudahan ang mga mahal niyang kababayan.

    Nasa akto siya ng pamimigay ng mga isda sa Barangay Salapan nang dumating ang mga pulis-San Juan. Iniimbitahan siya sa presinto para magpaliwanag dahil marami raw siyang sinisirang alituntunin na pinaiiral ngayong may lockdown.

    Alam na this, sabi nga ng mga kababayan natin, pinaganda lang ang terminong ginamit pero ang totoo ay inaaresto nila si dating Senador Jinggoy.

    Kung anu-ano na ang ibinutas sa pagmamagandang-loob ng aktor-pulitiko, mga bagay-bagay na halatado namang makakontra lang sa pamimigay niya ng ayuda, nagalit ang mga taga-San Juan sa akto ng pag-aresto sa mahal nilang kababayan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending