NIYANIG ng magnitude 4.7 lindol ang Antique kagabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.
Naramdaman ang lindol alas-10:12 ng gabi at ang epicenter nito ay 37 kilometro sa kanluran ng Barbaza. May lalim itong 28 kilometro.
Naramdaman ang Intensity IV sa Barbaza, Antique. Intensity III naman sa Belison, San Jose de Buenavista, at Tobias Fornier sa Antique; Nabas sa Aklan; at Iloilo City
Intensity II naman sa Banga, at Malay sa Aklan; at Bago City sa Negros Occidental. Intensity I naman sa Lezo, Aklan.
Ang mga instrumento ng Phivolcs ay may naitala namang Intensity III sa Culasi, San Jose de Buenavista, at Sebaste, sa Antique; Malay, at Malinao, sa Aklan. Intensity II sa Bago City, Negros Occidental at Intensity I sa La Carlota City, Negros Occidental; at Iloilo City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.