Angelika: Walang pambili ng pagkain pero pag alak at pulutan meron?! | Bandera

Angelika: Walang pambili ng pagkain pero pag alak at pulutan meron?!

Ervin Santiago - May 05, 2020 - 11:33 AM

NAIMBIYERNA na ang actress-politician na si Angelika dela Cruz sa ilang mga pasaway sa Malabon.

Bukod sa mga lumalabag sa ipinatutupad na enhanced community quarantine, may mga residente rin sa Barangay Longos sa Malabon ang patuloy na lumalabag sa liquor ban.

Ayon sa barangay chairwoman, maraming nagrereklamo na wala na silang perang pambili ng pagkain at iba pang mahahalagang supplies para sa kanilang pamilya pero may pambili ng alak.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Angelika ng mga litrato kung saan makikita ang ilang taga-Malabon na nahuling nag-iinuman sa kabila ng liquor ban.

 “Madaming nag rereklamo wala na daw pambili ng pagkain, kulang ang bigay ng government, ang tagal ng ayuda … pero pag pang Inuman alak at pulutan may pambili,” caption ng aktres sa kanyang IG post.

Sa isa pang post ng aktres kamakailan, makikita naman ang mga food packs na nakatakdang ipamigay para fifth wave ng relief operation sa kanilang barangay.

Isa si Angelika sa mga celebrity politicians na aktibo sa pagpo-post ng mga kaganapan sa kanilang lugar.

Kamakailan lang ay umani ng sansamakmak na likes at comments ang ipinost ng aktres tungkol sa isinumbong ng isang residente tungkol sa umano’y aswang sa kanilang lugar.

Mensahe ng residente kay Angelica, “May kumakaLat na baLita sa barangay Longos daw mam. if im not mistaken kau po Brgy. Capt.

“Nagkagulo mga kapitbahay namin ngayon. Akala ko may gulo, ‘yun pala may tiktik na sumilip sa bu(b)ong kapitbahay namin. Mahaba dila. 

“Nakita mismo ng kapitbahay namin na may pakpak. May nakakita kaya nag sisigaw ‘yun. Nakakita ng aswang, may buntis kasi.

“Akala ko may away sa labas. Sa lugar po ito ng Longos, Malabon.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ayon sa Philippine folklore, ang tiktik at isang uri ng aswang na nambibiktima ng buntis sa pamamagitan ng pagpunta sa bubong ng bahay at gamit ang mahabang dila nito, kakainin niya ang sanggol mula sa sinapupunan ng buntis.

Ito naman ang mensahe ni Angelika sa natanggap na “reklamo”, “Pag Kapitana ka lahat ng uri ng tao makaka salamuha mo at lahat ng reklamo maririnig mo.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending