Magbibigay ng relief kailangan magpaalam sa LGU--Año | Bandera

Magbibigay ng relief kailangan magpaalam sa LGU–Año

Leifbilly Begas - May 04, 2020 - 09:12 PM

DAPAT umanong makipag-ugnayan sa local government unit ang mga pribadong indibidwal na namimigay ng relief goods.

 Ito ang sinabi ni Interior and Local Government Sec. Eduardo Año matapos dalhin sa himpilan ng pulisya si dating Sen. Jinggoy Estrada matapos mamigay sa bangus sa mga taga-San Juan.

Nilinaw naman ni Año na welcome ang mga tulong basta sumunod sa Enhanced Community Quarantine.

 “Helping is a beautiful deed, lalo na ngayong tayo ay nasa krisis. The ECQ measures are enforced not to curtail the people’s rights, especially the ones who are generous to share and help their fellow Filipinos, but to ensure that coronavirus doesn’t spread, at itong pagtulong sa pamamagitan ng pamimigay ng relief goods ay hinihikayat, dapat lang ay ipaalam sa mga LGU,” ani Año.

Dagdag pa ni Año ang mga nagbibigay ng relief ay dapat mayroong quarantine pass.

“Yung ibang mga nagdi-distribute ay walang quarantine pass, hence, they are not authorized to get out of their residence. Nakita ko din na may mga paglabag sa physical distancing at mayroon na din mga bata at senior na lumabas ng bahay.”

 Ang pamimigay umano ng relief ng walang koordinasyon sa LGU ay madalas nagreresulta sa paglabag sa ECQ.

 Ipinaalala naman ni Año sa mga LGU na bilisan ang pag-apruba ng aplikasyon para makapagbigay ng tulong.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending