KRIS ipinagdasal sa JERUSALEM ang LOVELIFE, pati pagbubuntis ni LUCY | Bandera

KRIS ipinagdasal sa JERUSALEM ang LOVELIFE, pati pagbubuntis ni LUCY

Ervin Santiago - August 13, 2013 - 03:00 AM


IPINAGDASAL talaga ni Kris Aquino ang pagbubuntis uli ng kaibigan niyang si Lucy Torres nang pumunta siya kasama ang mga anak na sina Joshua at Bimby sa Jerusalem kamakailan.

Kahapon sa live episode ng Kris TV sa ABS-CBN, ikinuwento ni Kris ang naging experiences nila sa pagtungo sa Holy Land, kabilang na nga diyan ang pagbisita nila sa tinaguriang “miracle church” kung saan nagpupunta at humihiling ang mga mag-asawang hindi magkaanak.

Sey ng TV host-actress, matagal na kasing gustong sundan nina Lucy at Richard Gomez ang panganay nilang si Julianna kaya nang magkaroon nga siya ng chance na makabisita sa nasabing simbahan sa Holy Land, isa raw ‘yun sa ipinagdasal niya, pati na rin daw ang mag-asawang Sen. Allan Peter Cayetano at Lani Cayetano, na sana’y biyayaan na nga ng sumpling.

Special guest din ni Kris kahapon sa kanyang morning show ang kanyang friendship na si Ai Ai delas Alas na nagdetalye rin sa pagpunta niya sa Israel noong nakaraang Pebrero.

Sey ng Comedy Queen, kakaiba talaga ang pakiramdam kapag nasa loob ka ng mga makasaysayang lugar doon, lalo na ang mga lumang simbahan kung saan nagpatotoo si Jesus Christ sa kanyang pagiging Anak ng Diyos.

Nang mapadako ang usapan sa lovelife, nagbiro si Ai Ai na si Melai Cantiveros (guest co-host din sa Kris TV) lang ang may dyowa sa kanilang tatlo, pero biglang humirit si Tetay ng, “‘Yun ang akala n’yo! Ha-hahaha! Joke! Basta ipagdasal na lang natin!”

Sey naman ni Ai Ai, “Naku, baka ‘yan ‘yung matagal na, patuloy lang nilang isinisikreto sa atin!”  Sabat naman ni Melai, “Ms. Kris, nakilala mo ba ‘yan sa Israel? Du’n ba kayo nag-meet?”

Sagot ng mommy nina Josh at Bimby, “Let’s just pray for that.” Samantala, balik-trabaho na uli ang Comedy Queen pagkatapos niyang magbakasyon kasama ang kanyang mga anak sa Amerika.

Sey pa nga ni Ai Ai na tila may ibig ipakahulugan, “Siyempre, friendship kailangang kumayod uli, alam mo na! Di ba?”
Na maaaring tumutukoy sa nangyari sa kanila ng nakahiwalay na asawang si Jed Salang.

Siyempre, hindi pwedeng magsalita ang komedyana about Jed dahil nga may gag order ang korte sa kanila habang dinidinig ang mga kasong kinasasangkutan nila na may kinalaman nga sa kanilang paghihiwalay bilang mag-asawa.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending